Press Release
September 23, 2019

Win transcript ambush interview
Oil Supply & Rollback | Suspension of loan agreements | 100 million per Congressman | Hazing

Oil supply

SEN WIN: First of all, pinag-usapan natin kanina ang short-term supply situation natin and in the next 30 days, tuloy-tuloy ang supply ng gasolina at diesel sa ating bansa dahil may imbentaryo ang mga oil companies at ang sitwasyon sa Saudi Aramco ay bumubuti na. By the end of the month, magiging full capacity na ulit ang mga nasirang planta at meron rin silang buffer stock na magus-supply sa atin. Ngayon, tataas ng konti ang presyo dahil nakita natin na tumaas ang presyo this week pero bababa ulit yan next week. Maraming mga bagong supply na pumasok like US at iba pang mga bansa, kaya ang presyo ng langis ay bababa ulit next week.

Q: Justified po ba Sir yung pagtaas ng presyo?

SEN WIN: Justified yung pagtaas ng presyo dahil gumalaw ng konti ang presyo ng diesel at gasoline noong nagkaroon ng aberya sa Saudi pero dapat ring siguruhin ng gobyerno na bababa ito next week dahil marami naman nang supply na pumasok. Temporary lang ang pagtaas ng presyo pero mas importante na masigurado na bumaba ang presyo next week. Nagkasabay kasi ang pagtaas ng presyo, nakita ko roon sa graph kanina, even before nangyari ang attack sa Saudi, pataas na yung trend.

Q: Hindi ba questionable?

SEN WIN: So far, what I see on the records, hindi questionable pero dapat tuloy-tuloy ang pag monitor especially in the provinces dahil may mga gasolinahan sa probinsya na mas mataas pa kesa sa 2.00 pesos ang kanilang itinaas. So importanteng mai-report itong mga gasolinahan at matanggalan ng lisensya.

Roll-back

Q: Yung rollback po ba ay kaparehas ng increase?

SEN WIN: Almost kaparehas, more or less.

Q: Sir wala bang safety measures ang government in case of any eventuality gaya nitong sa Aramco attack?

SEN WIN: Moving forward, pinag-aaralan ng pamahalaan natin na magkaroon ng tinatawag nating strategic petroleum reserve so ibig sabihin, may sarili taying reserba at langis kahit may mangyari pa sa Middle East, meron tayong mapagkukunan. So yun yung pinag-aaralan natin ngayon. Kailangan ng batas nun. I think this is only for extreme cases dahil importing country tayo, we import almost 95% of our petroleum so ibig sabihin, yung supply ng langis natin ay nakasalalay sa abroad so dapat mag-isip rin tayo ng mga paraan na hindi tayo maapektuhan kung may nangyari sa Middle East.

Q: Sir, may assurance po na magro-roll back?

SEN WIN: Wala silang direct assurance but we will make sure that they will roll back dahil ang trend ng presyo ng langis ngayon ay pababa so we will make sure that they implement roll back.

Suspension of loan agreements

Q: Would you like to comment on reported suspension ng loan agreements and grants of countries that support UN's resolution on the anti-drug war?

SEN WIN: May mga loan agreements, for example sa Australia and England, na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong dito. For example, sa Australia, meron silang projects on education. Ang British government, meron silang projects also on good governance so makakaapekto yan especially sa mga LGUs na tumatanggap nitong grant. Last week, ang Ambassador ng Australia nasa Valenzuela kasi gusto nilang gumawa roon ng projects for our teachers so makakaapekto yan sa atin. Doon naman sa ibang bansa, the 16 countries, maliit lang yung mga nakukuha nating loan and grants from them. In fact, hindi substantial ang nakukuha natin, wala nga yung iba so these two countries ang very active pagdating sa support sa Philippines.

Q: Kahit pagsamasamahin yung mga UN Human Rights Council member countries, mas better pa rin yung loans sa China?

SEN WIN: I think what is important here yung ating mga institutions gumagana, yung ating mga mechanisms gumagana at dapat respetuhin rin ng ibang bansa dahil we are a sovereign country and meron tayong mga sistema para maimbestigahan yung mga ganitong issues at dapat respetuhin nila yun dahil kung gagawa sila ng hakbang na makakasira sa ating sovereignty hindi naman tama yun.

Q: Suspension? Justified?

SEN WIN: Para sakin we have to make sure that those countries that are already engaging us and meron tayong support ay ituloy natin ating relationship with them dahil tumutulong na sila eh. Andito na sila at may mga projects na nakukuha ang ating local governments doon. In my opinion, it cannot be a wholesale approach dahil may mga bansa na may project and programs na dito.

Q: Dapat i-reconsider?

SEN WIN: Pag-aralan, I think on-going naman tong study, dapat pag-aralan--

Q: Pero may order na po yung palasyo?

SEN WIN: I'm sure pwede pa rin pag-aralan tuloy-tuloy, it's an on-going study.

Q: Relationships with these countries kasama dun yung pag explain despite the opinions on human rights?

SEN WIN: We can also do diplomatic approaches dahil nga tuloy pa rin naman ang kanilang mga programa dito, pwede naman tayo kausapin para tuloy-tuloy pa ang relasyon natin with them.

100 million allocation per Congressman

Q: 100 million allocation per Congressman?

SEN WIN: I'm not very sure.. walang detalye yung sinabi niya so I'm not very sure kung pano nila ipinasok sa loob ng budget pero definitely ang pork barrel under the Supreme Court ruling ay bawal na. Congressman can recommend projects in their district through the Regional Development Council, may proseso yan, ibig sabihin mag recommend muna sila sa Regional Development Council at ipasok yung sa budget.

Q: Uniformed amount? (question inaudible)

SEN WIN: Sa Regional Development Council, doon nila ma-dedetermine yung need, kung ano pangangailangan ng isang lugar, pwede mag recommend kung anong projects kailangan i-prioritize, its more participative in terms of discussion.

Q: So Setting the 100 million amount is a little questionable?

SEN WIN: I'm not really sure ano yung guidelines noong 100 million kung if its maximum amount or how do you execute that 100 million, I'm not very familiar with that--Kailangan ng clarity and we can actually inspect that pag pumasok na yung budget dito, isususbmit na rin ng Congress yung GAB and we can scrutinize that 100 million.

Hazing

Q: Hazing, kahit na-implement na yung batas meron pa rin bagong victim?

SEN WIN: Nakakadismaya na nangyari ito kahit na meron na tayong batas na iniimplement yung Anti-Hazing Law. Ang matindi dito, makukulong na habang buhay yung mga nahuli sa hazing. Ang mas lalong nakakadismaya ay nangyari ito sa loob ng PMA at nangyari sa isang government institution. So importante ngayon mabilis ang pag iimbestiga, mabilis ang pagpaparusa para makamit natin ang katarungan para sa biktima.

News Latest News Feed