Press Release
September 27, 2019

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar (DENR budget)

Q: Pinipigilan ninyo ang reclamation sa Bacoor?

Villar: Kasi protected area na iyong Las Piñas-Parañaque Wetland Park, can you imagine may port sa tabi nuon? Para kaming Baseco.

Q: Gaano kalaki ang buffer zone ng wetland park?

Villar: Hindi ko alam kasi sila ang gagawa nun. It's a research. I'm not that familiar with it. Hindi pa nga nade-determina ang buffer zone, reclamation na?

Q: Sabi ninyo babahain kayo?

Villar: Yes, that was the study of DPWH during the time of Secretary Singson. He told me don't allow it because mapa-flood kayo ng eight meters. And eight meters is 3-story. Ang mga bahay lang namin puro mga 2-story. Nakalubog kaming lahat doon. That's why I really fought na pigilin ang reclamation.

Q: DENR said ikacancel na nila ito?

Villar: Hindi pa naman nila nabibigyan ng permit, sinisimulan pa lang. Sabi nila hindi na nila sisimulan.

Q: Ang budget ng DENR for plenary deliberation na?

Villar: May mga pinasa-submit po ako sa kanila. Kasi ang gusto ko, kung saan dadalhin ang project, ilagay ang lugar, magkano at ano ang gagawin para alam natin kung saan dinala iyong projects. They will do it, they will submit it to me. Parang iyong NIA, they submitted by town iyong mga projects nila para we make sure. Kapag hahanapin natin ang mga projects makikita natin.

Q: On budget of Pasig River Rehabilitation Commission on housing

Villar: Kasi nilagay nila doon makikialam sila sa paglipat. I've done it in Las Pinas. Hindi kaya ng Pasig River iyon. Talagang it's local, NHA and DILG kasi sinu-survey nila iyon. Meron kasing mga renter, at mga structure owner. Iyong mga renter, hindi iyon entitled kasi nagre-rent lang sila doon. Ang entitled would be the structure owner. So nagsu-survey sila doon para iyon ang ililipat nila at bibigyan ng bahay sa Naic, Cavite bawat isa.

Q: May allocation?

Villar: Oo, millions din kaya lang, any addition is good. Kasi that means mas maraming informal settler in the river na maililipat natin sa relocation site.

Q: Magkano po ang tatanggalin sa Pasig River Rehab Commission?

Villar: Baka more than kalahati kasi kalahati iyon ng trabaho nila. Kasi I've been working with them, they can only do clean up and may be public info, but they cannot do relocation. And then iyong trabaho ng DPWH, mahirap iyon.

Q: Kasama din iyong social preparation?

Villar: Hindi na kailangan iyon.

Q: Tatanggalin din?

Villar: Hindi naman kailangan iyon. I've done so many relocation in my life. Ang importante sa kanila iyong maihanap mo sila ng bahay kasi very limited ang number of houses doon, and then give them some money so that when they relocate, syempre hindi sila makakatrabaho at least, meron silang spending money siguro for two weeks.

Q: Mga magkano po ang mai-slash?

Villar: 257 million eh, baka two-thirds. Minimum one-half.

Q: Sabi kasi nila kailangan nila for social preparation?

Villar: Ang nagso-social preparation is the urban poor office of each municipality. Tapos iko-confirm iyon ng NHA kung may bahay na pagdadalhan doon . And then iyong DILG, another confirmation iyon kasi gusto nilang i-control kasi kung walang kontrol iyon baka kung sino-sino lang ang dalhin doon.

Q: On San Juan River clean up

Villar: May budget daw ang DENR for clean up of San Juan River. But I told them that a part of San Juan River dadaan doon ang Skyway papuntang Bulacan. Noong dumaan ang Skyway sa NAIAX sa Paranaque River, nag-assure and Skyway na lilinisin nila iyong ilalim nila na Paranaque River. So that would be of help to them.

Q: Wala na dapat budget?

Villar: Hindi naman the whole San Juan River dadaanan ng Skyway. It's from Malacanang to SM, pagdating ng SM liliko na babalik na sa kalye.

Q: Wala na dapat allocation?

Villar: Siguro after that SM, iyon ang kailangang linisin.

Q: Saan ililipat ang budget? Sa Department of Housing?

Villar: Sa NHA. Sila kasi ang nagtatayo ng bahay na pinaglilipatan ng mga river dwellers.

Q: Iyong budget for social preparation tatatnggalin din?

Villar: Walang kailangan na social preparation. Ang gumagawa nun local government. Mahirap ang trabaho na iyon, hindi kaya ng Pasig River Rehabilitation Commission. I've done that so many times. It's a hard thing. Talagang you have to find a house from NHA na paglilipatan nila very limited iyon. And then you have to determine kung sino iyong entitled kasi marami doon renter and then bibigyan mo siya ng allowance para paglipat niya meron siyang panggastos habang naglilipat siya. Iyon ang very important doon.

News Latest News Feed