Press Release
November 3, 2019

Dispatch from Crame No. 640:
Sen. Leila M. de Lima's Statement on Duterte's Continued Insults vs. VP Leni Robredo

(3 November 2019)

11/3/19

Tila ayaw tantanan sa pang-iinsulto ni Duterte si VP Leni. Abogado raw na walang alam sa batas?

Mahiya naman kami sa iyo, Mr. Duterte, sa pagka-humble mo tungkol sa pagkamagaling mo sa batas. Nagawa mo pang gawing tama ang pangungurakot at pangongotong ng kapulisan para lamang idiin na mali si VP Leni na sabihing bawal tumanggap ng lagay ang mga pulis.

Sabagay, sa mundong ginagalawan mo na puro kabaligtaran ng tama ang umiiral, pwede nga namang mangotong ang pulis, pumatay o magpapatay ang Pangulo, magsinungaling ang iyong Tagapagsalita, makulangan pa ang iyong Foreign Secretary sa dami ng iyong mga pinapatay, maabswelto ang mga magnanakaw at mandarambong at ipagkanulo mo ang Pilipinas sa Tsina kapalit ng tatlumpung piraso ng pilak.

Sa mga Hudas at mamamatay tao na katulad mo, baligtad nga ang mundo. Ang mali ay tama, ang tama ay mali. Sa iyong mundo, Mr. Duterte, ang magaling na abogado ay abogago naman sa amin.

News Latest News Feed