Press Release
November 4, 2019

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On the creation of a department for disaster resilience.

Q: Ito po ay certified urgent ng ating Pangulo, kamusta po ito?

SP Sotto: Mabilis naman siguro mapapasa ngayon yan, sapagkat matagal ng kailangan ito, hindi nabibigyan ng pansin masyado, sapagkat panaka-naka yung mga disaster na nakikita, pagkatapos ay hindi rin naman nabibigyan ng focus. Sa tingin ko, dahil sa mga nangyayaring sunod-sunod na ito, at alam mo namang disaster prone ang Pilipinas, mabibigyan na ng panahon kahit na dapat talakayin namin ang budget, malaki ang posibilidad na mapagusapan na ito. Ang dami naming nagfile, ako lang ang unang nagfile, pero walo, pito ang nagfile din na related dito. Hindi namang nakapagtataka na ako ang mauuna diyan, ako rin ang nagfile nung calamity fund nung 1992.

Q: Malamang mauuna ito sa ibang departamento?

SP Sotto: Oo, mauuna ito sapagkat isa sa mga prinoproblema namin sa ibang departamento na sinasabi ay tinatawag na right-sizing. Kasi pwedeng mag right-sizing muna bago yun, pero ito, hindi ito pwedeng maghintay. Ang national disaster, hindi nakakapaghintay.

Q: Kasi nga din po, I think sa aking pagbabasa ng inyong explanatory note, yun pong kahalagahan, kasi may poder na siya, including sa panahon ngayon na kinakailangan ang relief operations para organisado, hindi sabog.

SP Sotto: Oo, at saka maliwanag who is in charge. Dahil yung level kasi (unclear) dito, isa sa gusto nating mangyari dito, features nito, yung responsibilidad ay magiging four levels. From the municipal, the mayor, the city mayor, up to the secretary of disaster resilience, maliwanag at meron yung tinatawag na unity of command saka yung effective collaboration na gusto natin.

Q: Pinpointed ang responsibilidad kung kanino man?

SP Sotto: Correct, hindi katulad ng nangyayari sa national disaster ngayon, on-call. Ang mangyayari we are going to institutionalize the National Disaster Coordinating Council.

Q: Any chance of this being passed before you go on recess this Christmas?

SP Sotto: A very big chance, talagang kailangang-kailangan. Malaki ang posibilidad, at malaki rin ang posibilidad na mapirmahan ng Presidente ito.

Q: Ang budget, kamusta po naman?

SP Sotto: Pagka sinunod yung proposal ni Senator Lacson, next week, pasado na yung budget. Ang proposal niya, iadopt namin yung House version. Eh di walang bicam.

Q: Mukhang itong break ninyo nagsunog siya ng kilay dito?

SP Sotto: Oo, matagal na naming pinag-uusapan yan, (unclear), sabi ko tingnan nating mabuti, kung maayos naman yung pinasa ng House, bakit gagalawin pa natin? Pag walang bicam, walang insertion.

Q: Yung ninja cops ninyo na imbestigasyon, yung GCTA, sarado na iyon?

SP Sotto: Hindi, may continuation yun kasi yung GCTA hindi pa sarado, pero may committee report pa kaming tatalakayin within today tungkol doon sa mga so-called ninja cops. Pero sa GCTA, masasagian na rin yun, sapagkat ang gusto namin, ang gusto ko naman, under my leadership, gusto ko ang committee report pinapasa sa plenary. Kasi pag ang committee report hindi pinasa sa plenary, kapirasong papel lang yun. Kailangang inaapprove ng Senate so it becomes a Senate committee report. Ididiscuss yun, hopefully we will start today.

Q: Pero kaakibat kasi during the deliberation, bago pa yung ninja cops na yan lumabas, yung GCTA muna, pinaguusapan na yung funding para po sa creation ng Bilibid regional. Kamusta po yung panukala ninyo na magkaroon ng mas malaking budget ang NBP at magkakaroon ng regional Bilibid prison?

SP Sotto: malaki ang possibility, baka mapilit naming maihabol nitong taon na ito. Kung hindi, sa first quarter next year, 100 percent hindi maaaring hindi matupad na, sapagkat sa Senado, walang kontra. I'm sure, sa House, susuporta na rin sila na iregionalize na talaga sila. At the start, it will be Luzon, Visayas, Mindanao muna, and then the super max. Ganun lang muna, bale apat, pero funding, ang tingin namin, walang problema. Yung iiwanan lang ng Muntinlupa, ilease mo lang yun.

Q: Did you already research kung totoo ba na maaaring idispose yung lupa doon? Because sa aking research, yan po ay donated daw ng Madrigal family at may probisyon din na hindi siya maaaring idispose commercially?

SP Sotto: Parang yung sa Aguinaldo at sa Crame. Nireresearch na ngayon, hindi ko pa confirmed kung tama yung hinala natin o hindi. I will give you feedback right away, baka within the day, mabasa ko yung report.

News Latest News Feed