Press Release
November 27, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente Sotto III
with Joel Reyes Zobel and Weng Salvacion of DZBB

On the budget for the SEA Games 2019

SP Sotto: Ang balita ko nung pinag-uusapan yan, doon sa period of interpellation pa lang, hindi maliwanag yung pag-gagastusan nung P7.5 billion. Yun ang intindi ko doon, hindi ko exactly, hindi ko amendment yun, amendment ni Senator Drilon kaya hindi ko matandaan yung details pero ang tanda ko is yung ang malamang na kakailanganin is about P6 billion kaya yun yata ang pinasa namin, P6 billion. And true enough, nakapag-raise sila. Yung Phisgoc nakapag raise ng P1.5 billion from sponsors, yung ganyan, at saka itong on going na yan, siguradong magkakaroon pa rin ng sponsorship at makakapag-raise pa yan, pero perhaps the committee then or the Committee on Finance headed by Senator Legarda thought it best na tama yung amendment na yun lang ang kakailanganin nila.

Q: Hindi ba atrasado since two years in the making ito. 2017 alam na natin, tayo.

SP Sotto: 2015.

Q: 2015 pa?

SP Sotto: Hindi naman panahon ng administrasyon na ito (unclear) yan.

Q: So dapat pala nung panahon pa nila Senator Drilon nasimulan na yung preparasyon nito? Dapat siguro hindi ganitong ka-belated ang preparation kung ganun pala, 2015 pa pala nalaman?

SP Sotto: Nasa preparasyon yan, hindi sa pera yan, kasi kung pera may (unclear). Kailangan mo magprepare, pera kulang mo, di utangin mo. (Unclear) ang daming pwedeng ano yan kung sa bayan, ang daming tutulong diyan, hindi yan ang issue diyan, at saka wag nila pagbintangan ang Senado nagdelay ng budget. November 24 nila sinubmit sa amin, and I am not talking about Speaker Cayetano, or sina Mikee Romero, we are talking about the previous administration of the 17th Congress which was, ang nangyari, pinalitan nila si Bebot Alvarez. Nagpalitan sila, si GMA, tsaka pinalitan nila yung mga chairman ng iba't-ibang committee. So imbes na isubmit nila sa amin by October, before October yung entire budget ng gobyerno, yung GAB na tinatawag, November 24 nila sinubmit. What can we do in one month? Hindi naman kaming pwedeng pikit-matang iaapprove namin yung inapprove nila, di ba? So period of interpellation pa lang yan, ubos na sa December yan, irereview pa ng committees namin yan.

Q: At saka totoong may nasilip yata ang Senado noon na kinailangang (unclear) sa punto ng budget pagdating doon sa pork barrel issue?

SP Sotto: Oo, hindi lang ganun, parang magaan pa ngang issue yan, hindi ganun yung nangyari. Ang nangyari, pagkatapos namin mag-interpellate ng bandang January namin natapos, after Christmas break. Sumunod yung period of amendments namin, naipasa na naming, nakipag-usap kami sa kanila, nag bicam kami around March. Nung nagbicam kami, we agreed already on the GAA, what will be the General Appropriations Act. So niratify namin sa Senate, niratify din nila sa House. Nung piniprint na, nagsingit ng kung sinong ponso-pilato ng P75 billion.

Q: Natatandaan ko yan.

SP Sotto: Bakit ko pipirmahan yung pinapadala sa akin? Yung pinirmahan ni GMA? Pinadala sa akin, bakit ko pipirmahan? It's unconstitutional, wala sa usapan, hindi yun ang tamang proseso. Pag may sumita sa amin nung araw nun, ako yung makakasuhan.

Q: Nagsingit post-reenactment na di ba?

SP Sotto: Oo. Kaya nga ang nangyari, talagang nagkaroon ng impasse, dahil hindi ko pipirmahan yun, bawiin ninyo yan, sabi ko. Ayaw nilang bawiin. Ang nagsuggest, si Senator Drilon, siya ang nagsuggest sa akin, sabi niya pirmahan mo, pero lagyan mo ng annotation, tapos isumbong mo kay Presidente. Ginawa ko nga at nilagyan ko ng ano yun, kauna-unahan sa history ng Pilipinas na merong budget na sinubmit sa Presidente na yung Senate President eh may reklamo. Nandoon, nakalagay. Nilagay ko yung annotation, sinama nga addendum, nakita namin yung P75 billion na biglang idinagdag. Dinagdag sa kung saan-saang distrito na hindi ko na babanggitin ngayon tutal wala na sila sa pwesto. Nung vineto ni Presidente at naniwala naman siya doon sa nakita namin, meron pa siyang nakitang P20 billion. P95 billion yung vineto niya eh.

Q: Nabanggit mo kanina hindi issue ito ng atrasadong budget? Alin ito?

SP Sotto: Atrasadong preparasyon at saka may kasama rin yang reklamo ng maliliit na bagay na hindi dapat ireklamo. Pag kinumpara mo yung preparasyon natin at saka yung nangyayari ngayon dito sa atin at saka sa ibang bansa, maganda pa yung atin. Ilang beses ako napunta sa ibang SEA Games sa Asian games, nung mga naghohost ibang bansa, atleta ako nung araw, ten-pin bowling. Marami nga kaming medalya nung araw. Pinapabayaan kami nung ibang bansa, gusto nga matalo kami. Tayo nga napaka-galing na host. (Unclear) kung dayain kami ng Thailand.

Q: So sinasabi ninyo, napalaki lang ito?

SP Sotto: Oo, napapalaki siguro ng mga kontra kay Presidente Duterte, kontra sa grupo nila Alan Cayetano.

Q: Sa tingin mo dapat hindi sinisisi ang Phisgoc dito?

SP Sotto: Ang tingin ko, kung gusto nilang magkaroon ng sisihan, after the games. Pero ang gawin muna nila, ikumpara nila ito sa mga nakaraan. Meron pang isang South East Asian Games na yung basketball team natin ba yun o football team natin? Delayed pinadala yung sasakyan. Hindi nakapag-warm up. Pagdating doon, mag-uumpisa na yung game. Style nila yan, style ng mga ibang bansa yan, gusto nilang manalo. .

Q: So kung gustong magpakain ng kikiam?

SP Sotto: Ako nga naisip ko nga kung totoo man yun, baka naman yung caterer eh (unclear) yung cater, sa tingin niya masarap yung kikiam niy, di ba? Sa tinginniya masarap yung kikiam niya, magugustuhan nila ito. Parang tayo, meron akong kalaro sa golf, ang hilig-hilig sa dinuguan. Laging dinuguan ang hinahanda sa amin, eh ayoko ng dinuguan niya. Ganun lang yan.

Q: May commitment na po ba ang liderato ng Senado na right after SEA Games, maglulunsad kayo ng imbestigasyon dito sa lahat ng controversy sa palarong ito?

SP Sotto: Oo, kung makikita nating talagang malala yan, magkakaroon ng imbestigasyon yan. At saka yung parang report. Ayaw mo mang tawaging imbestigasyon, magkakaroon sigurado ang Senate Committee on Sports ng reprt. Ano ang nangyari, para in the future, mapapaghandaan pa natin ito ng mabuti, pero believe me, malala yung ibang bansa. Maniwala kayo sa akin, ilang beses ko nang nakita yan, yung sa atin parang gusto nating sobrang hospitality ng Pilipino. Gusto natin na parang mga napakaganda, hindi ganun ang ginagawa sa atin ng ibang bansa. (Unclear) saan kami pinapatira, university. Yung mga dormitory. Hindi pa yun, yung mga dormitory pinapaalis ang mga estudyante, at doon kami matutulog sa mga kama nila. Yung mga estudyante, nag-iiawan pa ng sulat sa amin doon, (unclear) ganun lang.

Q: Dito may pa-hotel pa?

SP Sotto: Dito pa-hotel, ang pagkain (unclear), lahat. Dapat nga yan wala tayong pakialam sa sasakyan. Kami pagdating namin doon kami na.

Q: Dapat sila na mag arrange ng sasakyan nila.

SP Sotto: Dito nga inarrange lahat. Medyo naover nga ang preparasyon. Kung tutuusin, kumpara sa mga ibang bansa, dinadaya nga kami. Dito palagay ko baka magpatalo pa tayo sa hospitality natin. Sobrang hospitable yung Pilipino, baka magpatalo pa.

Q: At least that's a different point of view coming from you.

SP Sotto: Oo.

Q: Abangan namin yung development Titosen, salamat sa oras.

SP Sotto: Sige. Babantay din tayo. Panonoorin natin lahat yan.

News Latest News Feed