Press Release
December 4, 2019

AFTER TISOY, CASH ASSISTANCE TO FARMERS URGENTLY NEEDED NOW
*Statement of Akbayan Senator Risa Hontiveros

The year 2019 wasn't a year for Filipino farmers. It brought drought, massive importation, and most recently, typhoon.

Agricultural loss due to months-long drought climbed to PhP 7.96 billion in April this year, with rice as the most affected crop. In the face of aggressive importation, the price of palay has also fallen to an all-time 8-year low. In the aftermath of Typhoon Tisoy, farmers face a very deprived Christmas due to a year of challenges.

Walang magpapaskong masaya sa ating mga magsasaka, lalung-lalo na kung hindi sila mabibigyan ng suporta sa kanilang hanapbuhay ngayong taon.

Habang inaalam natin ang pinsala sa agrikultura at kabuhayan na dala ng bagyo, kailangang maibigay na ang ayudang dati pa nating hinihingi na PhP 12,000 sa bawat magsasaka ng palay, at ang PhP 6.5 billion na cash assistance na matagal nang ipinangako.

Dagdag dito ang agarang pag-mobilisa ng calamity funds na pwedeng i-access ng mga lokal na pamahalaan para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, lalung-lalo na para sa sektor ng agrikultura at palaisdaan.

We need proper assessment of agricultural damage, and the provision of relief assistance and livelihood recovery in the immediate. Kasama dito ang tulong trabaho o cash-for-work sa hindi pa makakapagtanim at expanded credit, insurance at loan restructuring.

We cannot delay nor be reckless with our assistance nor let bureaucratic red tape get in the way. Sana 'wag nang hintayin ang isa pang bagyo bago tayo makapagbigay ng tulong.

Sa hirap na dinanas ng mga maliliit na magsasaka ngayong taon, kailangang-kailangan na nila ng tulong na hindi kuripot at pwede na. Huwag natin hayaang magpasko ang mga magsasaka ng gutom.

News Latest News Feed