Press Release
December 10, 2019

SENATOR NANCY BINAY'S SPONSORSHIP SPEECH
Congratulating and Commending Filipino Surfer Roger Casugay

Mr. President, my esteemed colleagues,

It is my privilege and honor to sponsor Senate Resolution no. 258 - congratulating and commending the hero of the 30th South East Asian Games, Filipino surfer Roger Casugay.

Mr. Casugay represents the true spirit of sportmanship. He has inspired every Filipino, and we couldn't be more proud to see him carrying the Philippine flag tomorrow, on the closing of the 30th SEA games.

Nakita natin ang pagbabayanihang hindi lang sa larangan ng surfing at sports. Masisilayan natin ito sa lahat ng mga Pilipinong handang magbuwis ng sarili nilang buhay para sumagip ng isang buhay.

Ipinamalas ni Roger ang kaniyang kabayanihan nang sagipin niya ang katunggali niyang Indonesian surfer na si Arip Nurhidayat.

Para sa akin, siya ang tunay na bayani at kampeon. He is a winner a thousand golds over. You can always have a chance to get a crack at the gold - but you will never have a chance to get a person's life back.

Sobrang inspiring na makita in action ang ganitong klaseng kagitingan, at konkretong halimbawa ito na maaari nating ipakita sa ating mga kabataan.

Dahil sa kabayanihan ni Roger Casugay, karapat-dapat lang na siya ang naitakdang flag-bearer sa closing ceremony ngayong Miyerkules.

In view of the foregoing, it is with utmost pride that I sponsor this resolution commending Roger Casugay for the honor he has brought to our country. Nawa'y magsilbi siyang inspirasyon sa ating mga kababayan na handang kalimutan ang sarili para sa ikabubuti ng marami.

Mabuhay ka, Roger! Mabuhay ang lahat ng mga atletang Pilipino!

News Latest News Feed