Press Release
January 5, 2020

Gatchalian urges CHED to include more students avail of free tuition

Senator Win Gatchalian is urging the Commission on Higher Education (CHED) to ensure that all 118 local universities and colleges (LUCs) in the country become eligible to offer free tuition under the Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 (Republic Act 10931), a move that provides free quality tertiary education.

CHED recently signed an agreement with the Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFast) and 27 LUCs that will be offering free tertiary education for Academic Year 2019-2021. Aside from free tuition, CHED-accredited LUCs also offer subsidies. Previously, there were 76 LUCs that have started offering free tertiary education and subsidies since the law took effect in 2017.

The law mandates LUCs to comply with certain policies, guidelines, and standards so they can offer free tuition. With only 15 more LUCs that have yet to be accredited, Gatchalian said that CHED should coordinate closely with these institutions to help them meet their prerequisites and become eligible to offer free tuition and subsidies.

"Mahalaga ang papel ng mga lokal na pamantasan at mga kolehiyo upang gawing abot-kaya ang dekalidad na edukasyon. Kung masisiguro natin na may kakayahan ang lahat ng mga paaralang ito na magbigay ng libreng edukasyon, mas marami tayong matutulungan na mga kabataan sa iba't ibang panig ng bansa na makapagtapos at magkaroon ng maayos na kinabukasan" said Gatchalian, co-author and co-sponsor of the free tuition law.

"Isang mahalagang reporma sa ating sistema ng edukasyon kung maibibigay natin ito nang libre sa ating mga pampublikong pamantasan at mga kolehiyo. Sa puntong ito, ang layunin natin ay masigurong naipapatupad natin nang wasto ang batas upang makinabang dito ang bawat kabataang Filipino," Gatchalian added.

Aside from LUCs, Republic Act 10931 also covers state universities (SUCs) and colleges and state-run technical vocational institutions.

###

CHED hinimok ni Gatchalian na bigyan pa ang mas maraming estudyante ng libreng matrikula sa kolehiyo

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Commission on Higher Education o CHED na gawing libre ang kolehiyo sa lahat ng isang daan at labing-walong (118) local universities and colleges o LUCs sa bansa.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang hakbang na ito upang makinabang ang mas maraming mag-aaral sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 o Republic Act 10931 na naglalayong magbigay ng libreng dekalidad na edukasyon sa kolehiyo.

Kamakailan lamang ay nilagdaan ng CHED ang isang kasunduan kasama ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFast at ang dalawampu't pitong (27) LUCs para madagdagan pa ang bilang ng mga estudyanteng nasa kolehiyo na mabigyan ng libreng matrikula para sa school year 2019-2021. Bukod sa 27, may nauna nang 76 na LUCs na kasalukuyang nagbibigay na ng libreng matrikula simula nang maisabatas ang 'free tuition' noong 2017.

Maliban sa libreng matrikula, maaari na ring magbigay ang mga LUCs na ito ng tulong pinansyal sa mga nangangailangang mga mag-aaral. Sa ilalim ng batas, kailangang sumunod ang mga LUCs sa mga pamantayan ng CHEd upang makapag-alok ang mga ito ng libreng kolehiyo.

Ayon kay Gatchalian, kailangang tulungan at himukin ng CHED ang nalalabing labing-limang (15) LUCs na sundin ang mga panuntunan nito.

"Mahalaga ang papel ng mga lokal na pamantasan at mga kolehiyo upang gawing abot-kaya ang dekalidad na edukasyon. Kung masisiguro natin na may kakayahan ang lahat ng mga paaralang ito na magbigay ng libreng edukasyon, mas marami tayong matutulungan na mga kabataan sa iba't ibang panig ng bansa na makapagtapos at magkaroon ng maayos na kinabukasan" ani Gatchalian, na isa sa mga may akda at sponsor ng free tuition law.

"Isang mahalagang reporma sa ating sistema ng edukasyon kung maibibigay natin ito nang libre sa ating mga pampublikong pamantasan at mga kolehiyo. Sa puntong ito, ang layunin natin ay masigurong naipapatupad natin nang wasto ang batas upang makinabang dito ang bawat kabataang Filipino," dagdag ni Gatchalian.

Maliban sa LUCs, saklaw din ng batas ang lahat ng State Universities and Colleges (SUCs) at technical vocational schools sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

News Latest News Feed