Press Release
January 16, 2020

Gatchalian urges DepEd for emergency response plans ahead of possible Taal 'explosive eruption'

Senator Win Gatchalian urges the Department of Education (DepEd) to have emergency response plans in place for the safety of students and schools, especially in the most vulnerable areas, should Taal Volcano display an 'explosive eruption.'

"Hindi pa lumilipas ang pinakamalalang maaaring mangyari sa pag-alboroto ng Bulkang Taal, kaya dapat nating paghandaan ang maaaring maging epekto ng isang malaking pagsabog," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

He added, "kung sakaling magkaroon ng malaking pagsabog at lumala ang pag-ulan ng abo, mahalagang may plano tayo kung paano natin mabilis na malilinis ang mga paaralan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral lalo na kapag muling nagbukas na ang klase."

Alert level 4 remains over Taal volcano, which means that a hazardous explosive eruption is imminent within hours to days. The activity in volcano resulted in an ash fall that reached Calabarzon, Metro Manila, and parts of Southern Luzon. In a health advisory, the Department of Health (DOH) warned that the ash fall could trigger eye, nose, and throat irritations, breathing problems, and coughing among others.

A PHIVOLCS bulletin also reported that more than 200 volcanic earthquakes were recorded in Taal region. There are high risks of pyroclastic density currents and volcanic tsunami within the 14-kilometer radius from the Taal Volcano's main crater.

In an Education Cluster Report, DepEd said that almost 6 million learners in 46 divisions and more than 5,300 schools have been affected by the eruption.

Gatchalian also said that schools should closely coordinate with their local governments as they tend to be the first responders in times of calamity. If necessary, the lawmaker added that DepEd should quickly tap into its P2.1 billion quick response fund (QRF) to address damages to schools.

"Sa panahon ng mga sakuna, mahalaga ang papel ng ating kahandaan upang manatiling ligtas ang ating mga mag-aaral at hindi ma-antala ng matagal ang pagkatuto nila," Gatchalian concluded.

###

Gatchalian: siguruhing ligtas ang mga paaralan sakaling magka-explosive eruption ang bulkang Taal

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na planuhing maiigi ang pagresponde sa mga maaapektuhang paaralan sakaling umabot sa "explosive eruption" ang bulkang Taal.

Dahil nananatili sa alert Level 4 ang bulkan, maaaring sumabog pa rin ito sa mga susunod na oras at araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.

"Hindi pa lumilipas ang pinakamalalang maaaring mangyari sa pag-alboroto ng bulkang Taal, kaya lalo nating dapat paghandaan ang maaaring maging epekto ng isang malaking pagsabog, ayon kay Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Idinagdag pa niya na kung sakaling magkaroon ng malaking pagsabog at lumala ang pag-ulan ng abo sa mga apektading lugar, mahalagang may plano tayo o maglatag ng emergency response para mabilis na malilinis ang mga paaralan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral lalo na kapag muling nagbukas na ang klase.

Dahil sa pag-aalboroto ng bulkan, nakaranas ng ash fall o pag-ulan ng abo ang Calabarzon, Metro Manila, at ilang bahagi ng Southern Luzon. Nagbabala naman ang Department of Health (DOH) laban sa mga maaaring maging epekto ng ash fall tulad ng pagka-irita ng mata, ilong, at lalamunan. Maaari ring magdulot ang ash fall ng hirap sa paghinga at pag-ubo, ayon sa DOH.

Maliban sa ash fall, nakaranas din ng mahigit dalawang daang (200) pagyanig ang mga lugar malapit sa Taal, ayon sa ulat ng PHIVOLCS. Nagbabala rin ang PHIVOLCS na maaaring magdulot ng volcanic tsunami ang pagsabog ng Taal.

Ayon naman sa Department of Education, humigit kumulang anim na milyong mag-aaral sa 46 na division at higit limang libong eskwelahan ang apektado ng aktibidad ng bulkan.

Dagdag pa ni Gatchalian, mahalagang makipag-ugnayan ang mga paaralan sa kanilang mga lokal na pamahalaan na unang tumutugon sa panahon ng mga sakuna. Kung kinakailangan aniya ng karagdagang pondo para sa mga epekto ng pagsabog sa mga paaralan, hinimok ni tGatchalian ang DepEd na gamitin ang quick response fund o QRF na nagkakahalaga ng higit dalawang bilyon.

"Sa panahon ng mga sakuna, mahalaga ang papel ng ating kahandaan upang manatiling ligtas ang ating mga mag-aaral at hindi ma-antala nang matagal ang pagkatuto nila," ani Gatchalian.

News Latest News Feed