Press Release
March 28, 2020

FROM SEN BONG GO RE: PRRD's BDAY

Simula noong mayor pa ng Davao City si Pangulong Duterte, hindi siya nagse-celebrate ng birthday. Nasa bahay lang siya. This has been his tradition. To some extent, parang home quarantine ang ginagawa niya palagi sa bawat birthday niya.

Parehas rin lang ngayon dahil inabisuhan siya ng kanyang doktor at ng PSG na magself-quarantine na rin para sa kanyang proteksyon bilang exposed siya sa Malacanang. Gayunpaman, patuloy pa rin niyang tinututukan ang sitwasyon ng bansa at nagbibigay ng importanteng mga utos sa mga opisyal ng gobyerno.

Bilang ama ng bayan, ang nasa isip niya ngayon ay ang kapakanan ng bansa at hindi ang sarili niyang birthday. Sa aking pananaw, the President will only celebrate when we have fully conquered the Covid-19 situation. For now, he is focused on what needs to be done -- at nandito ako para suportahan palagi si Pangulong Duterte.

Isa sa kanyang mga bilin ay para sa DSWD kung saan sinabi niya na dapat mabigyan ng tulong lahat ng pinaka-nangangailangan lalo na ang poorest of the poor. Kasama rin sa bilin ng Pangulo ay ang patuloy na pagdarasal ng taumbayan lalong lalo na para sa kapakanan ng ating mga frontliners -- mga healthworkers, doctors, nurses at pati na rin ang military at kapulisan na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin para protektahan tayong lahat. Sabi ng Pangulo na dapat mabilisang maibigay lahat ng suporta at tulong sa kanila bilang mga bayani sa gyerang ito.

Dalawang beses po kami nagkausap sa telepono ngayong araw. Una ay 6:30 ng umaga. Ngayong kaarawan niya, nakakalungkot man na mag-isa siya, isa lang ang pakiusap niya sa mga Pilipino -- ang tanging maireregalo ninyo sa kanya ay ang sumunod sa patakaran and STAY AT HOME.

News Latest News Feed