Press Release
March 28, 2020

Statement of Senator Pacquiao

Mga kababayan, nais ko pong linawin na bago ko pa man natanggap ang sulat mula kay Barangay Captain Rosanna Hwang, nakapagdesisyon na po akong mag-home quarantine.

Pagkatapos po ng Special Session sa Senado noong Lunes, March 23, ay hindi na po ako lumabas ng aming bahay.

Excited pa naman sana ako sa turn-over ng 57,600 Test Kits mula sa aking kaibigan na si Jack Ma para sa Manny Pacquiao Foundation ngunit minabuti kong manatili sa bahay.

Nalulungkot po ako na may mga kasamahan ako sa Senado na positibo sa Covid-19. Dahil nakasalamuha ko sila, alam ko na ako ay considered as Person Under Monitoring o PUM.

Huwag po kayong mag-alala. May natanggap po akong Rapid Testing Kits mula sa aking mga kaibigan sa South Korea. Gamit ang rapid test kit na approved sa Korea, ako po ay nag-negatibo. Hindi pa approved ng FDA dito pero yon po ang ginagamit sa Korea.

Matagal na po akong hinihikayat na magpa-test sa RITM ngunit nais ko pong ipaalam na wala po akong nararamdaman na anumang sintomas.

Ibang usapan na po kung meron akong kakaibang nararamdaman sa aking katawan. Once I experience symptoms, I am willing to undergo the swab testing for the sake of my family and my country, but I will go through the regular procedure. Naniniwala po kasi ako na marami tayong Persons Under Investigation o PUI na dapat unahin pagdating sa testing.

Kahit naka-home quarantine, patuloy po akong maghahanap ng paraan upang makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga magigiting na frontliners. Marami pa pong test kits at medical supplies na darating na magagamit ng ating mga health workers sa buong bansa. Magkakaroon din po ng allocation ang DOH Regional Centers sa Visayas at Mindanao.

Hinihikayat ko ang lahat na makipagtulungan sa ating pamahalaan. Gawin po natin ang nararapat. Patuloy din po tayong magdasal at manalig sa Panginoon. Sa kanya po tayo humugot ng lakas at pag-asa. Malalampasan natin itong pagsubok, mga kababayan. Tiwala lang.

News Latest News Feed