Press Release
April 9, 2020

MENSAHE PARA SA ARAW NG KAGITINGAN
DECLARE OUR FALLEN IN THE FIGHT AGAINST COVID-19 HEROES OF THE NATION

Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, hindi lang tayo nagbabalik-tanaw sa kasaysayan, kundi patuloy na nagpupugay sa kabayanihan ng mga Pilipino sa pagtatanggol sa kapwa Pilipino at sa dangal ng Pilipinas.

Sa atin pong mga beteranong nakipaglaban para sa ating teritoryo't soberanya mula sa paniniil at panlulupig ng dayuhan at sa walang atubiling sumasagip sa ating mga kababayan sa oras ng sakuna, maraming salamat sa inyong serbisyo sa kapwa't bandila.

Today, we have witnessed the emergence of a new breed of heroes as our country faces a new battle.

Our heartfelt gratitude and admiration goes out to our doctors, nurses, health workers, volunteers and other frontliners who put their lives on the line so that others may live amidst this pandemic.

We offer our prayers and sympathy to the families of 21 courageous doctors who have died in fighting COVID-19, and to many others who have also bravely risked their lives for this cause. The 21 doctors and other frontliners who have died in the fight against COVID-19 should be immediately declared as national heroes by a grateful nation.

Malinaw po ang ating hangarin: Ang mabilis na pagkilos ng gobyerno upang maibigay ang pangangailangan ng mamamayan. Pagkalooban sana ng sapat na sandata at proteksyon ang mga buwis-buhay nating frontliners na araw-araw sumasabak sa peligrosong laban na ito.

Bigyan din ng agarang ayuda ang mga maralita dahil ang pangamba nilang mahawa ay nadaragdagan pa ng agam-agam sa pagkalam ng sikmura.

Tunay nga pong ang bayan natin ay duyan ng magiting. At sa mapanghamong panahong ito, nagtitiwala ako't patuloy na nananalangin: mananaig ang malasakit, pananampalataya at pagkakaisa ng mga Pilipino.

(Sgd.) LEILA M. DE LIMA

News Latest News Feed