Press Release
April 12, 2020

MENSAHE PARA SA LINGGO NG PAGKABUHAY

Ngayong panahon ng matinding pagsubok, muling hinahamon ang lalim ng ating pananampalataya. Isinusuko natin ang sarili sa Diyos at nagsusumamo para sa ating proteksyon at kaligtasan.

And in these trying times, Christ has answered our prayers through our doctors, nurses, health workers, volunteers and other frontliners who are instrumental in the fight against COVID-19. We feel His presence amidst those who recover from the illness and through our leaders who truly discern and act based on what is right and just for the people. We witness God's loving grace in our compassion to one another.

Ipinaaalala po sa atin ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon: Sa kamatayan, naroon ang di-nawawalang presensya ng Diyos, at ang di-matatawarang pag-ibig Niya para sa mga pumanaw at mga iniwan-sa pagpawi sa ating kasalanan at paggabay sa mga nagluluksa upang magpakatatag at manalig sa kalooban ng Maykapal.

Ang atin pong panawagan: Buhayin natin sa ating alaala ang mga pumanaw, hindi sa dinanas na hirap at lungkot, kundi sa ipinakita nilang tapang, katatagan at pagmamahal sa atin. Habambuhay din po nating pasalamatan at bigyang-pugay ang kabayanihan ng mga nagbuwis ng buhay at patuloy na iniaalay ang sarili para sa kapwa.

Nawa'y maging bukal po tayo ng lakas at inspirasyon sa isa't isa. Patuloy nating ipagdasal ang agarang lunas sa COVID-19, ang paggaling ng mga may sakit, ang proteksyon ng mga bayani nating walang pasubali kung tumulong, at ang pagtugon sa pangangailangan ng mga kapuspalad na pinalubha ang sitwasyon dahil sa kakulangan ng serbisyo mula sa gobyerno.

Malalampasan din po natin ito at muling makababangon nang may higit na pananampalataya sa Panginoon.

Isang makahulugang pagdiriwang po ng Linggo ng Pagkabuhay sa ating lahat.

(Sgd.) LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

News Latest News Feed