Press Release
April 14, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Ted failon of DZMM Telerady

On the Special Amelioration Fund Program

Q: How are you po?

SP Sotto: OK naman, as usual kahit nasa bahay lang, hindi lumalabas, punung-puno pa rin ng trabaho kasi yung mga papeles ng Senado, hindi naman natitigil yun at saka yung kahit papano ay pinakikialaman natin yung mga nangyayari with we are making sure na yung oversight committee ng Senado ay nagtratrabahong mabuti para mamonitor ang mga nangyayari at ginagawa ng Executive Department. Sa hiling din naman ng Executive Department yun na kami ay magsubmit sa kanila ng aming rekomendasyon. So every day, almost twice a day, naguusap kami nila Sec. Dominguez at saka ibang members ng Executive Department.

Q: Ano po ang obserbasyon ninyo doon sa pamimigay ng Executive, pamamahagi po ng Special Amelioration Program Fund para po sa target beneficiary po nito? So far ano ang inyong monitoring?

SP Sotto: So far katatanggap ko pa lang kagabi nung third report ng Presidente, as of now, mga P101.5 billion na ang nadistribute ng Executive Department through the DSWD and the Department of Labor. Yung sa 4Ps, it's about to be completed at saka talaga namang inuna muna yung mga talagang dapat nilang tanggapin. Pero yung totoo nun, yung top off, yung kasunod lang naman nun top off, para kung talagang dapat tumanggap sila nung P5,000, pero dapat kung 4Ps sila, P1,500 sila, P3,500 na lang yung idadagdag. Ganoon yun. So halos makumpleto naman yun, palagay ko mabigyan ka ng report ng DSWD tungkol dito.

Q: Sa 4Ps po, kasi nga yung istraktura if I may say so, yung basic na pangangailangan sa kanilang information at saka yung transfer sa bangko, in place na kaya walang problema? Ang may problema yung isa na, yung pagkakaidentify doon sa mga target beneficiary outside of 4Ps po?

SP Sotto: Oo, yung tinatawag nga nating informal sector. Yung ibig sabihin ng informal sector, yung mga trabaho na hindi empleyado, yung mga nagtitinda ng taho, mga nagtitinda sa palengke or mga taxi driver, jeepney driver, natitigil yung pagtratrabaho. Basta natigil yung pagtratrabaho at walang kikitain, kasama yun doon sa tinatawag na informal sector. Ngayon, para mas maliwanag kasi sinasabi ko rin sa Executive Department, sa LGU at saka sa DILG, kailangan yung information dissemination, panay. Kailangan talaga ipaalam, katulad niyan, sa isang household daw, ang bigayan ay isa sa isang house, eh tatlo yung pamilya roon. Hindi ganoon ang usapan, hindi yun ang nasa batas. Ang sinasabi namin, bawat pamilya kahit lima yung pamilya roon sa isang household, bawat isang pamilya, isa. Hindi posibleng isang household. Kaya ang nangyayari doon sa ibang mga LGUs, at saka doon sa barangay lalo na, ay nagkakaroon ng gulo at merong sinasabi nga namimili daw, hindi daw binibigyan lahat ng listahan, sa listahan pa lang wala na. Sa listahan pa lang magulo na so paano magdidistribute yun kung ang listahan ay mali? So kailangan diinan pa rin yan. Although, at the moment ay talagang P51 billion na ang, mahigit eh, hindi ako sigurado sa exact number noon pero yun ay total, kasama yun at lahat-lahat, P101.5 billion na ang nabigay ng Executive Department sa DSWD, sa DOLE, at sa LGU, sa DILG. The LGU at the DSWD ang magkatuwang diyan. So talagang may delay doon sa ibang mga local areas dahil siguro sa sinasabing hindi nagmamatch yung data base nung LGU, at ng DSWD.

Q: Sa inyong palagay, kasi sa inamin sa akin kahapon ni Sec. Bautista, 4Ps walang problema, yung isa na doon sila ngkakaproblema, yung pagreconcile ng information kasi pag walang mga pangalan, hindi nabibigyan kaagad. Plus, bawat LGU, merong inilalaan lamang na pondo eh marami yung nasa listahan ng LGU. Talagang this is causing delay and we are talking about the first tranche pa lang. First tranche pa lang ito and then we only have about 16 days bago mag April 30. Ano ang inyong suggestion para to ay bumilis?

SP Sotto: Talagang kailangan yung LGU ang makipag-coordinate mabuti sapagkat ito, kasabay pa nung sinasabi mong yan, kasabay pa ngayon yung pinarerelease ng gobyerno at isama, pinagusapan naman natin ito, suggestion din naman ng ibang mga senador at galing din sa private sector, isama yung middle income na tinatawag. Yun yung mga empleyado na natigil din naman kasi hindi naman sila...yung tinatawag naming middle income ngayon, merong available na ang gobyerno, nagpaparelease na ng P51 billion as of today. Para sa mga employees ng SMEs, sila yung matatawag na middle income. Parehong nabanggit kanina, tinatanong ni Chacha kung ano yung middle income. Ang middle income, yun yung mga nagtratrabaho doon sa mga SMEs, at saka nagtratrabaho sa mga, yung regular employee, pero sa ngayon ay hindi kumikita. Kaya kasama sila doon, merong P51 billion na available na, and then doon para sa mga SMEs, para hindi naman sila kabahan, merong available ngayon na (unclear) kaya ako (unclear) wag silang pilit ng pilit na walang pera, malakas ang loob ng Presidente dahil meron. Merong available ngayon na P120 billion na loan, guarantee loan, loan portfolio ibig sabihin, loan portfolio para dito sa mga SMEs na ito. At hindi lang yun, there is more to come para sa kanila. So balik tayo, distribution ang problema. Availability at yung handa ang gobyerno, meron. Ang nagkakatalo, sa distribution. Ngayon pati sa baba, sinasabi rin namin kung dito sa amin sa taas, sinasabi nga namin teka muna, yung mga rules, medyo bend ng kaunti. Luwagan ninyo ng kaunti. Kung pwede nga, ibato na sa bintana yan. Importante yung buhay muna, at saka yung pera. Yung pera, kikitain ulit ng gobyerno, pero yung buhay ng tao, hindi kayang ibalik. Yung pera kayang ibalik. So distribute lang ng distribute. kaya siguro sa LGU, at saka sa DSWD, palagay ko coordination and cooperation mabuti. Wag na masyado yung data base ko wala ito, hindi, basta bawat pamilya, bigyan ninyo kasi may perang ibibigay ang gobyerno sa inyo. Yun ang susi doon.

Q: Ano ang inyong suggestion doon sa problema ngayon na prevalent, ang mga LGUs, maliban sa 4Ps, naghanda ng kanyang listahan, o kaya nag-assume sila ng number of target beneficiaries para sa SAP, eh nagbigay lang ng corresponding amount ang DSWD for each municipality. Kung hindi tugma, kung short, ano ang suggestion ninyo na dapat gawin ngayon para lang bumilis-bilis doon sa sinasabing balanse na hinihingi ng LGU?

SP Sotto: Una, kung kulang dapat sabihin nila sa DSWD. Hindi pwedeng sabihin ng DSWD na yun lang. Hindi pwede. Kung kulang, handa ang gobyerno magbigay. Sabihin nila sa Executive Department. Kulang pala, eh di bigay natin. Ngayon, sa baba naman, tutal delayed ng kung palagay mo may delay, saka sinasabi mo nga, hindi nagtutugma, karamihan naman ng mga LGU kakayanin. Abonohan mo muna, makakasingil ka naman sa gobyerno. Ito pa nga, sinasabi nga natin na pati sa SMEs meron tayong ibibigay, eh di lalo na sa inyong mga LGUs, yung loan portfolio namin available, di ba? Abonohan mo muna, pagalingan din naman ng local officials ito dahil kung magaling kang magremedyo, makikita ng mga kababayan mo yan. Remedyo muna pagka (unclear) na ganito sapagkat...Wag nilang intindihin yung middle income, hindi problema sa distribution kasi yan, ang sistemang gagamitin, through SSS. Ang magdidistribute sa kanila, ay through SSS dahil karamihan dito merong ATM.

Q: May record na sila, madali ng matrack.

SP Sotto: Correct.

Q: But basically po, dito lang sa information, ang sabi ng DOF dito, 3.4 million workers doon po ito, ito yung nandoon nga sa middle income earners. So 106(?) million businesses sa formal sector. Ito po ay binabanggit na target beneficiary nito pong P51 billion na programang ito ng DOF?

SP Sotto: Correct, tama yan. Ito, will pay out through the SSS. May listahan ang SSS, kumpleto yan. Walang problema yan. Doon tayo sa LGU, DSWD na informal sector at bawat pamilya. Kailangan literal nilang kunin yun, per family yun, hindi household. Walang nakalagay na household doon.

Q: So ito nga, ika ninyo abonohan ng bawat LGU. Kapag short, magtuus po ng DSWD kung ilan ang short, abonohan una, pero merong relaxing the rules. Pero itong pinaguusapan nga natin, first tranche pa lang na hindi pa nga nangangalahati. Sabi din naman kahapon, narinig ko rin sa mga balita rin ngayon, before ka mareleasan ng karagdagan doon sa second tranche, meron pang sinasabi na liquidation na natanggap talaga ng mga taong ito. That will really take time.

SP Sotto: Hindi na, wag na. Palagay ko we'll try to make cooperation or communications with the Executive Department, sasabihin natin yun na wag na muna yun, saka na yun. Yung mga target family beneficiaries natin ay emergency subsidy nga ang tawag dito. Hindi na, hindi na siguro, basta yung LGU mananagot later on at saka DSWD kung mali, hindi naman yung nagdistribute sa baba, wag na yun, kung hindi, matatagalan yan. Kaya lang, meron naman tayong assurance from the Executive Department, from the Department of Finance mismo, kagabi lang pinapangako sa akin that yung mga hindi nacover even dito sa first tranche, sisiguruhin pa rin nila na kahit na papunta na roon sa second tranche, ay magiging ano pa rin, icocover pa rin nila even through the second tranche pag hindi nacover nung first tranche.

Q: I'm sure inyo na pong napahapyawan yung report kagabi nung Presidente, yung third report nga nila, pero hindi ganoong kadetalyado. Aking nireview, tungkol nga doon sa percentage ng nabiyayaan na ng Special Amelioration Program Fund na ito. So again, going back, ano ang gagawin ninyo para mapagtulungan ng Executive (unclear) para lang bumilis kasi hanggang ngayon kanina, nainterview ko yung mayor sa Iloilo, ganoon pa rin ang problema.

SP Sotto: Oo nga. We are ready with our counter report. Lagi naman. Oras na mabasa namin yung third report through Viber, meron kaming Viber group n mga senador, kinokolekta kaagad namin yan, and then our chairperson ng oversight committee, Sen. Pia Cayetano, binibigay niya kaagad sa Executive Department pati yung mga feedback na nakukuha namin mula sa mga mayor, pinararating namin agad. So instantaneous ito as far as we are concerned, hindi na pinatatagal ito sapagkat alam na nga natin na hirap sa baba. We try to find out kung ilan ang percent talaga na nadistribute kasi marami pa ring tumatawag, maraming nagrereklamo, maraming sinasabing kulang, ganito. At saka panawagan namin doon sa mga local officials, lalo na sa mga barangay, wag naman kayo namimili. Yung pati listahan, di ba? Yun ang karamihang reklamo, hindi nabibigyan lahat kasi yung listahan ay inuuna yung kung hindi kaibigan, kamag-anak, pagkatapos, hindi ko nilalahat, may ilan lang naman na ganoon pero maraming magaling. Marami rin yung...nakikita naman ng mga kababayan natin, kita nila yan kung sino yung huhusgahan nila pagdating ng araw.

Q: Kung ako naman yung barangay chairman, gusto kong ilista lahat pero ito lang yung pondong inilaan sa akin, talagang mamimili na ako pag ganoon?

SP Sotto: Oo nga, pero paalam mo agad sa mayor mo. Paalam ng mayor sa DSWD, kulang ang binigay ninyo, pamilya dito ganito-ganito, hindi ganito ang pamilya. Sa listahan pa lang nagkakatalo, hindi sa pera. Sa listahan pa lang, kulang na yung listahan. Hindi naman sagot ng, hindi naman problema ng DSWD yun kung yung listahan mo ay hindi nagtutugma.

Q: Para mabigyan kayo ng idea sa ginagawa ng DSWD, babasahin ko lang po yung sagot niya sa aking katanungan sa limitasyon sa pondo ng lokalidad. Sabi ni Sec. Bautista, "pagdating doon sa sinasabi nating list beyond the allocation, ito yung mga sumobra sa indicative target beneficiary, kinukuha po natin ito. Yung mga datos na ito, hiningi natin sa mga LGU, dahil meron naman po kaming ugnayan sa ating mga economic managers na yung mga target beneficiary which is beyond doon sa indicative numbers of target beneficiary allocation sa mga munisipyo, ay pagaaralan po nila ito at hahanapan po ng budget para naman po sa pangalawang buwan na pamimigay ng cash subsidy." So dito po klaro na yun nga nangyayari, merong po lamang inilaan na pondo sa bawat lokalidad, and then yung mga short hahanapan ng budget. Ano po ang inyong reaction?

SP Sotto: Malapad yung word na pagaaralan at saka yung hahanapan. I suspect na nagamit ng salita ni Sec. Bautista yan pero hindi pwedeng pagaaralan ay gaano katagal? (Unclear) niya siguro, fast break ang tira diyan. Hindi pwedeng ibig sabihin ng pagaaralan, ilang yung kulang? Eto pa ba? O, asan ang pondo? Dapat ganoon ka-instant. Ganoon yun palagay ko naman sapagkat yung report niya, even kagabi sinabi sa kanya ni Sec. Dominguez, magreport sa akin, yung binigay niya sa akin na report halos kumpleto na yung payout sa 4Ps, tapos itong mga iniimplement nila, ngayon humihingi na sila ng tulong para sa mga development offices, sa municipal at saka sa city, social welfare development offices, para nga doon sa sinasabing mga pagkukulang. So instant naman yan palagay ko within a day or two, alam na nila kung saan yung may kulang. So kung may kulang na pera, humingi sa Executive Department or sa Department of Finance mismo at through the DBM or DOF, di ba? Palagay ko instant naman yan. Kaya bago siguro mag umpisa yung second tranche or (unclear) meron ng (unclear) yung iba na yun.

Q: So maliwanag dito, sa inyo, number one, hindi kakapusin ang available fund, and then dapat yung kakulangan doon sa ibinigay na pera ng DSWD sa bawat lokalidad agad mabigay yoon, mapunan, para doon sa inilista nilang dapat na mga beneficiary, lahat yun, dapat makatanggap?

SP Sotto: Correct, para klaro. Tama po yun. At saka kahit sobra. Hindi baling sobra, wag lang kulang, ganun ang mentalidad namin, sinasabi namin sa Executive Department. I am sure yun ang mentality ng Presidente diyan kasi katulad nung isang araw, binanggit niya, sabi niya kahit ibenta ko itong CCP, ibenta ko itong ganito, ibenta ko itong ganyan, yung sinasabi niyang yun, literal na kaagad sa iba nating mga kasama, I don't blame them for that, sinabi niya eh, pero sa akin, ang reading ko, he was gust giving the assurance to the people na hindi tayo kakapusin ng pera para ibigay sa kanila kasi marami pang pwedeng gawin, ika niya. Parang dinidiin lang niya yung assurance na hindi kakapusin.

Q: Siguro maganda na yung first tranche na ito maayos at...

SP Sotto: Oo at ang pakiusap naman natin din habang ginagawa namin yang sinabi mong yan, pakiusap naman natin sa mga local officials abonohan ninyo yung kulang at saka natin singilin yung DSWD katulong ninyo kami na maniningil diyan at kung ano ang pondong kailangan, kung kailangan kaming gumawang batas para diyan, gagawin namin. Abonohan ninyo muna. Pag sinabing hindi, wala, ito lang ang calamity fund namin, inalis na nga namin yung cap, doon sa Bayanihan Act, wala na ngang cap sa mga calamity fund, gamitin ninyo lang kahit anong pondo muna, di ba? Boss, ang usapan dito, buhay muna, saka na yung pera, saka na yung gobyerno. Hindi maibabalik yung buhay, pero yung pera, maibabalik yan, kikitain ng gobyerno yan.

Q: Buhay na muna bago konstruksiyon ng ilang mga infrastructure projects?

SP Sotto: Oo, pati yun, kung kailanganing galawin yun para dito (unclear) mapunuan ito, oo. Two to three months lang ang ineexpect natin dito. Hindi naman siguro tayo pababayaan ng Panginoon na katulad nung nangyayari sa America ngayon, sapagkat pabaya sila. Pati sa Italy pabaya sila. Dito naman sa atin ang aga naglockdown. Meron lang tayong mga kababayan na matigas ang ulo, pero sila din yung mapapahamak baling araw. Kung susundin lang natin yung mga patakaran at sinabi ng gobyerno, hindi tatagal dapat ito, katulad nung nangyayari sa Singapore. Mahigpit sa Singapore, sumusunod lahat. Sino ngayon ang number one sa listahan ng mga pinaka wala ng risk? Israel at saka Singapore. Bakit? Sumusunod yung mga tao. Talagang pag sinabi doon one plus one, three. Oo, three. Ganoon, walang kumokontra.

News Latest News Feed