Press Release
April 22, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On the 4th report of the President on the Bayanihan to Heal as One Act

SP Sotto: Nadaanan ko na, nabasa ko na kasi nung Monday ng gabi, nung tumawag ng emergency meeting si Presidente at kami ni Speaker ang tinatawag, nung gabi mismo habang naghihintay kami doon, pinadasala sa amin ng Executive Secretary's office yung report nila. So more or less, meron akong idea kung paano ang takbo sa kasalukuyan nung mga binibigay nilang report for that week. Yung mga assistance sa individuals, yung assistance program, yung SAP, DSWD, more ore less, nandoon yun. Ayon sa report, mga 91 percent na yung mga DSWD, LGU na mga napamimigay o ipamimigay, nasa 100 billion ang total. Hindi, ang total pala is 73.8 billion.

Q: Sa aming ginawang pagaaral dito, sa kabuuan, 91.03 percent yung naidownload na for non-4Ps ito, doon sa mga LGUs. Per yung actual amount na nadistribute na po sa mga beneficiaries para po sa SAP, ay lumalabas lamang na 22.6 percent pa lang. Sa kabuuan po ng 18 million families. So when you really check it out, yung actual ngayon as of April, kung Monday ito, nung Linggo, lumalabas na ang kabuuan pa lamang ay 22.6 percent kasi ang number of beneficiaries served ay 4,054,360 as of April 18, 2020.

SP Sotto: Families ang sinasabi mo, hindi individuals?

Q: Opo, yun pa lamang. So correspondingly that is only 22.6 percent. Kasama na dito yung 4Ps nila. So bagamat yung ponding naidowload ay malaki na, pero yung actual na nakatanggap ng SAP as of April 18 ay wala pa ngang 30 percent.

SP Sotto: Yun ang mabigat, kasi itong report na pinapadala sa amin, report galing sa Executive Department pero hindi kami nakakatanggap ng report tulad nung binanggit mo na from naidowload na sa baba, from the LGU or the DSWD pababa kung anu-ano na ang naisubmit nila. As a matter of fact, yung sa Cebu, kabibigay lang sa akin nung report sa Cebu, kagabi ko lang nakita. Nakapagdownload na pero wala pang nabibigay.

Q: Ito po ay kasama sa report mismo, itong aking binabasa sa inyo ngayon. Kasama po ito, ang amin lamang ginawa ay kinompute lang namin yung percentage doon sa actual report nila. So if you compute the total number doon sa 18 million ito lang yung percentage pag hinimay.

SP Sotto: Kailangan yung counter report namin ngayon, kailangan ilaman niyan sapagkat while we speak naman, yung aming oversight committee ay napag-aralan na ito, maabot pa. I'm sure by today, meron kaming deadline ngayong tanghali na isubmit yung aming mga komentaryo dito sa report, siguradong isasama natin yung sinasabi mong yan.

Q: So ika nga ninyo sa Cebu, meron ng naidownload pero hindi pa nadidistribute. In fairness po naman sa DSWD, nakapagdownload naman na po ng pondo sa LGU so 8 days to go before April 30, first wave pa lang ito, mukhang may problem pa rin po sa distribution.

SP Sotto: Oo nga talagang yun ang isa sa mga sakit ng ulo. Nung pagpulong nung Monday, nandoon naman yung Secretary ng DILG, palagay ko narinig niya lahat yung nangyaring yan sapagkat kailangan ng kaunting sipag para sa local level. Maraming local government units na maayos naman ang kilos pero meron ding talagang may kabagalan katulad ng meron pang mga MOA na pinaguusapan dito. Yung ibang LGUs sa Cebu mismo, which is one of the most hit. Itong COVID, ang dami pang mga MOA na pinaguusapan.

Q: Ano ang aming aasahan sa inyo sa papel po ninyo bagamat kayo po ay oversight, hindi naman kayo mismo yung taga DILG or LGU. paano po kaya ang dapat ninyong gawin para medyo maipush natin ito kasi sa punto po ng mukhang baka ang mangyari nga po daw ay hindi naman total lifting, partial or calibrated or ano man, eh marami talagang tao. Ito pa rin ang reklamo sa mga hindi pa rin naaabutan ng SAP first tranche na ito.

SP Sotto: Oo. Kakalampagin pa namin ang DILG rito at kailangan siguro, baka pati yung Committee on Local Government ng Senado ay medyo mas kumilos pa. Kahapon lang, nakikita ko na sa Viber group namin na complete si Senator Tolentino tungkol diyan. Kailangan aksyunan nila ito sapagkat kayo mismo, nakikita ninyo yan eh di lalo na itong mga oversight committees namin na sinuscrutinize lahat yung binababa nilang pera. Yun ang pinakamahalaga doon, yung kabuhayan ng mga kababayan natin. Kaya nga doon sa report na binigay sa atin nung Monday, meron doong mga sector na dapat ng ilift at merong mga sector na hindi dapat ilift, yun ang mga suggestion nila kaya inaasahan ko, babanggitin ng Presidente bukas yan. Katulad nung agricultural sector, yun ay dapat ilift na. Makakatulong ng malaki sa atin yun, at saka sila rin mismo hindi na masyadong mahihirapan.

Q: Sa inyong pakikinig, sa inyong pulong, ito na ba yung merong kanya-kanyang presentasyon sa kanilang pag-aral tungkol sa possibility of lifting or partial lifting or modified ECQ?

SP Sotto: Oo. Medyo mabigat yung mga narinig namin doon at kasi karamihan naman ay nandoon sa paniniwala, hindi lang dito sa atin kungdi sa international standards na kapag basta nilift mo ito, mag-spike. Ang hitsura kasi ng graph natin ngayon nag plateau. Nagplateau bagamat mas marami ng natetest ngayon, so mas marami na rin ang gumagaling, pero nagplateau lang, hindi bumababa. Ang kaba nila pag naglift tayo nationwide siguradong aakyat. Ngayon, ang sinasabi, merong isa doon na nagsasabi, siguro makikita ninyo sa report, sinsasabi na baka pinopostpone lang natin dahil talagang ganoon din, tatamaan din lahat yan, parang ganoon yung computation. Hindi ako masyadong naniniwala doon, nakakatakot yun. Kasi ibig mong sabihn, sige hayaan mo ng magspike, abutin na lahat para maimmune tayo. Hindi ganoon kadali yun. Mas mabuti pang tama yung ipostpone mo na.

Q: Sa inyong pakikinig at sa inyong pakikipag-talastasan din sa iba ninyong kasamahan in the Senate, ano po ang inyong nakikitang posibleng anunsiyo ng Presidente, o dapat na mangyari dito po sa Luzon ECQ na ito? Paano po, kung imomodify, kung partial? Paano po?

SP Sotto: Ang inaasahan ko at sana ay maging mangyari ay modified. Modified, meaning yung mga biggest hit na areas katulad ng NCR, ay ibang klaseng, hindi pwedeng ilift. Kailangang iextend, pero merong mga modifications. Tapos yun namang ibang areas na mga hindi naman talaga apektado masyado, may mga probinsiyang wala, walang katama-tama katulad ng Palawan, sa Visayas at saka sa Mindanao na wala halos tama. Even sa Luzon, ang Ilocos Norte, Ilocos Sur area, parang halos walang problema. Kung meron man, wala namang namamatay, so yung mga areas na yun, pwede lang yung enhanced social or safe distancing. For example, yung mga sinusuggest na tricycle, sige, payagan na pero isa ang nakasakay. Tapos sa mga bus, kailangan isang bintana, isang tao, mga ganoon, so pwede na.

Q: (Unclear)

SP Sotto: Yung mga construction workers, kailangan doon sa area.

Q: Kung golf courses ba ay pwede na eventually magbukas? Parang ganoon?

SP Sotto: Nasa management yan kung papayagan ng gobyerno, isa. Pangalawa, yung management, siguro naman ay alam naman natin na yung mga golf courses, hindi naman for income purposes yung mga yun, di ba? So dapat yung mga hobby, mga empleyado nila, tinutulungan nila, sagot nila. Yun yung mga pinaguusapan noon na hindi na poproblemahin ng DSWD dapat sapagkat merong employer. Inaasahan natin na ang mga employer ngayon ang tumulong. Ngayon, uulitin natin para sa mga employer na pumapalag, isusubsidize kayo ng gobyerno, tutulungan kayo thereafter. Ang hinihingi lang ng gobyerno muna tulungan ninyo rin kami muna ngayon sapagkat pagkatapos, tutulungan rin naman namin kayo. Ganoon, yung subsistence, yung kung anu-anong mga kailangan, kung gusto mo sa tax mo alisin, pwede rin, di ba? Yung mga ganoon, so siguro pwede nating hilingin yung mga yan, at maraming tumatawag rin sa akin tungkol diyan, pero wala tayong say doon sa patakbo niyan.

News Latest News Feed