Press Release
May 3, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Nimfa Ravelo of DZBB

On the resumption of session on May 4

Q: Sabi po ninyo na kailangan physically present ang mga Senador. May mga pangamba pa po ng pagkalat ng Covid-19. Bakit po kinakailangan kayong pumunta sa Senado at maging physically present?

SP Sotto: Delikado or hindi, yun bang pagtanong natin ng delikado, tinatanong natin yung guwardiya sa mga hospital, yung mga health workers, yung mga nagdedeliver ng pagkain, takot ba sila? Tapos sasabihin itong mga senador, hindi gawin ang trabaho nila, eh mandato ng Constitution yun na magkaroon kami ng legislative calendar at sundin namin ito. So, ang remedyo na naiisip nung iba is mag teleconferencing daw pero pwedeng gawin yun pagkatapos naming mag convene at mag-approve ng rules namin na papayagan na namin yun. Kailangan muna tawagin ko ito, icoconvene ko ito ng a-kuatro, pagkatapos ay iaapprove namin yung baguhin yung rules namin na payagan ang teleconferencing. Although kung tutuusin, technically may publication pa yun. Kailangang ipublish ang rules namin, di ba meron ang Supreme Court decision nung araw noon pag nagbago kami ng rules namin, kailangan ipupublish namin.

Q: So paano po ang remedyo doon? You will do away with the publication?

SP Sotto: Hindi, ipapapublish kaagad namin bagamat pwede na naming aprubahin ng one day yun. Pwede rin naming testingin na sa Monday sapagkat nung isang araw na nagpunta ako doon, nag run through ako. Nirun through ko yung equipment at saka pinili naming teleconferencing group or company ay yung very reliable at saka walang record ng natatap or nahahack at medyo high tech, hindi yung karaniwang ginagamit na sabihin ko na, Zoom. Una may legality na question, pangalawa, nahahack pala yun. Pagkatapos after 40 minutes, babayad ka na, di ba?

Q: Baka nagsesession kayo may sumulpot na mahalay doon.

SP Sotto: Oo, hindi bale kung mahalay lang, baka biglang baguhin yung sinasabi namin.

Q: So ibig sabihin, bukas po pupunta kayo, supposedly majority po ang aattend, and then mag-aapprove kayo ng rules so Tuesday na po yung teleconferencing?

SP Sotto: Pwede rin naming testingin later on in the day kung sinisipag pa yung mga kasama ko at yung may paguusapan pa kami. Habang naguusap kami pwede na naming subukan. Kung hindi naman, kinabukasan pwedeng para-run through muna, and then the next few days nakakailanganin yun. Kasi ang mahalaga bukas, at saka mahalaga yung physical presence doon lalo na (unclear) ang Senate President kahit pa delikado nila sabihin nila kasi meron kaming mga, yung Section 21 and Section 41 na gustong galawin ng aming mga kasama lalo na ni Majority Leader Zubiri, ni Migz, gusto niyang ayusin yun, meron pang mga dapat galawin doon kung mag teteleconferencing kami. Kasi nasa rules namin yung agenda kung ano ang gagawin, yung national prayer, national anthem, yung kailangan officially nandoon yung mace, tapos yung referrence of business, ang daming dapat gawin sa Lunes kaya kailangan muna mag rereferrence of business pa kami para pagusapan itong mga dapat pagusapan.

Q: So ang mangyayari din po sa teleconferencing, ito pa rin po ba yung kagaya ng binanggit ninyo nung isang araw, na hybrid, ibig sabihin meron pong physically present, meron pong nasa video?

SP Sotto: Oo, yun ang naiisip ko at marami naman sa mga kasama ko ang sumasang-ayon doon. Although merong mga iba na gusto full teleconferencing na. Ang gusto pa nga ng iba Monday mismo wala ng pumasok, teleconferencing yung iniisip nung iba pero hindi nga pwede. I wish pwede pero hindi pwede at saka aside from hindi pwede, sa tingin ko at yun ang pananaw ko, pangalawa, nakakahiya sa mga kababayan natin, nahihiya ako, hindi ko kayang gawin yun.

Q: So mangyayari, kayo po ang presiding officer, kayo ang palaging present, o pwedeng lahat nung inyong mga kasamahan naka video conference, kayo lang ang nasa Senate?

SP Sotto: Oo, para maconvene.

Q: Para maconvene, and then yung kinabukasan na mga session at mga susunod pa, physically present kayo dapat bilang presiding officer?

SP Sotto: Pwedeng hindi, pwedeng physically present pero may mga kasama kaming gusto physically present sila. Alangan namang ako ang mawala doon. So malamang yung Monday, Tuesday, and Wednesday, ang malaking halaga, ang malaking bagay doon, is sa babaguhin namin yung rules papayagan namin ang teleconferencing, full teleconferencing, sa committee hearing.

Q: Ayun pa, oo.

SP Sotto: Oo, so pwede silang mag-committee hearings na teleconferencing na. Inaayos ngayon ng Senate secretariat kung paano yung recordings at paano yung pagtatabi nung mga, at pagmomonitor nung kanilang hearing.

Q: Paano yung pagsubpoena? Magagawa pa po ba yun pagka ganoon yung mga hearing?

SP Sotto: Oo, paguusapan namin kung pwede, eh di mag physically present sila or maghehearing sila sa Senate pagka kailangang-kailangan. Pero hindi naman siguro in the next few weeks. Mga ilang linggo lang naman ito, kasi gusto rin naman ng mga kasama natin na makapag-participate sila bagamat naniniwala akong merong dose na mahigit na aattend. Kung gusto naming tawagin doon daily ng Monday, Tuesday, Wednesday na session ng Senate na hindi teleconferencing, kung gugustuhin namin doon, naniniwala ako na merong dose mahigit na aattend. Ganoon naman talaga ang pagkakakilala ko sa mga kasama natin.

Q: Pero iba yung pag-iingat pa rin doon sa mga pupunta at ano po ang tagubilin kung masama ang pakiramdam at delikado pa like si Senator Angara?

SP Sotto: Oo, excused naman yun. Hindi ko ineexpect na makakaattend si Senator Angara, Senator Pimentel.

Q: Si Senator Zubiri?

SP Sotto: Yun ineexpect ko aattend. Okay naman si Senator Zubiri, naka recover na yun at saka siya ang Majority Leader.

Q: Yung mga senior citizens?

SP Sotto: Yes, like for example si Senator Drilon, he might attend on the first day pero I don't expect him to attend kasi alam ko merong pacemaker siya, advise sa kanya ng doctor huwag umattend, di ba? Iba naman yun, iba yung able bodied ka, wala kang problema, sa ayaw mong umattend. Anyway, lahat, wala dapat pangambahan kasi kaya nga ako nagpasyal last week din, for the information of everyone, especially ng mga kasama ko, ng mga colleagues namin, linggo-linggo, araw-araw, may pumapasok doon sa amin. May pumapasok sa mga empleyado ng Senado. Skeletal lang pero meron, hindi nawawalan, pati mga Sergeant-at-Arms. At ang disinfection doon ay constant. Pagkatapos, ang ginawa pa, nakaset-up doon last week pa is una, bawal ang bisita. Ang media, kung gusto, livestreaming na lang. Merong ilang papayagan sa PRIB o ilang papayagan sa media, bahala na silang humingi ng permiso pero, magpapatest sila. Kasi, nagpaset-up ngayon si Senator Lacson ng rapid testing umpisa alas-nuebe ng umaga, Monday.

Q: So yung mga empleyado po, bago pumasok?

SP Sotto: Lahat kami, lahat ng papasok, kung gusto. Kaya safe na safe ang feeling doon. Pangalawa, nakaset-up na yun, pag-pasok mo hindi lang yung thermal scanner, meron pa kaming disinfectant sa sapatos, may disinfectant sa elevator, tapos kung one floor lang naman ang aakyatin mo, huwag ka ng mag elevator. Tapos sa elevator, may marker, tatlo lang ang pwede para magkakalayo sila at saka yung operator. Bale apat sila, di ba?

Q: Araw-araw yun, yung rapid test?

SP Sotto: Hindi, Monday lang.

Q: Tapos yung rapid test, ito po ba yung parang pang pregnancy test na piniprick yung daliri tapos 15 minutes alam na yung resulta or iba?

SP Sotto: Parang ganoon pero ibang klase ata itong bagong donation na natanggap ng Senate.

Q: Mainam yun para po sigurado na may Covid-19 na papasok. So yun po ang magiging sistema sa Senate. Anyway, ano po yung inyong mga isusulong, ano po yung inyong agenda para maalleviate yung situwasyon ng ating mga kababayan, nga ating bansa dahil sa Covid-19?

SP Sotto: Una sa lahat, magpapasa dapat kami ng batas na maiiwas na magviviolate ang Executive Department ng batas. Eh kasi nagdedeklara na September na raw ang pasukan, di ba? Merong batas na June ang pasukan. (Unclear) nag-amend ng Basic Education Law, kaya kailangan June ang pasukan. Merong exemption pero yun yung mga international school, yung mga ganoon, pero June ang pasukan, nakalagay sa batas yun. Eh dineclare ng September, eh di vinaviolate nila yung batas. Kailangan amyendahan kaagad namin yun, gawin naming September or, ang proposal ko, nagfile na ako ng bill last week pa. Ang proposal ko is September, or to any month the President so desires in case of national emergencies, okay na yun, safe na, di ba? Oo. Alam mo naman syempre, sigurado sa amin wala namang magkukuwestiyon noon, pero may mga wise guy diyan titirahin na naman si Presidente sasabihin o, nagviolate ka, di ba June lang yan? Yung mga ganoon. Hindi mawawala yun.

Q: Ano pa? May word na ba kung kailangan ninyong amyendahan ng Bayanihan to Heal as One Act or mag-aapprove kayo ng supplemental budget para madagdagan po ang panggastos?

SP Sotto: Bago tayo pumunta doon sa Bayanihan to Heal as One Act, doon muna sa maaari naming pagusapan kaagad. Yung mahahalagang provision doon sa CITIRA, yung hindi naman makakaapekto sa mga tao, pero makakatulong sa Executive Department doon sa mga pangangailangan nila, yan sigurado mapapagusapan yan. Si Senator Pia Cayetano ang bahala doon.

Q: Yung CITIRA na tinutuloy ninyo yung Comprehensive Income Tax Reform, ito po ay babawasan yung taxes ng mga corporation at irarationalize yung kanilang incentives?

SP Sotto: Correct, at saka aalisin yung, babawasan yung tax ng mga, yes, mga corporation, lalo na ng mga SMEs, mga small and medium enterprises. Ang laking pakinabang nila doon, pero meron ding mga pakinabang ang national government sapagkat doon naman sa isang part, yung mga dating hindi nakokolekta ay bibigyan ng pagkakataong makakolekta roon. But anyway isa yun na dapat pagusapan, pero as far as the Bayanihan to Heal as One Act is concerned, unless the Executive Department asks for something else I am so sure na lahat ng power binigay namin doon. Nandoon lahat ng power, hindi nila kailangan pa ng iba pang dapat gawin para ang Presidente ay makapag-realign, nandoon lahat ng power, as a matter of fact, even in the declaration of policy pa lang, binanggit namin doon yung Article 6 Section 23 No. 2 sa Constitution which gives the President emergency powers for the duration of the national emergency lang.

Q: So primarily yung power po na humugot ng pondo ng iba't-ibang agency para magamit dito sa Covid-19 pandemic?

SP Sotto: Correct. Nandoon lahat yun sa Bayanihan to Heal as One Act kaya hindi dapat magkaproblema doon unless meron kaming hindi nakikita at merong makita ang Executive Department na dapat baguhin doon. Sa ngayon, wala akong alam na dapat sapagkat very comprehensive na nga yan.

Q: Naalala ko lang, meron po doon effective yung Bayanihan to Heal as One Act for three months.

SP Sotto: Oo, pwedeng iextend.

Q: So wala pa namang word from Malacanang para iextend yung Bayanihan Act?

SP Sotto: Hindi, wala pa naman.

Q: Kasunod ng Bayanihan to Heal as One Act, may oversight committee kayong crineate para bantayan yung implementation nito?

SP Sotto: Oo, it is a very active oversight committee. As a matter of fact, the chairperson, Senator Pia Cayetano, has been religiously collecting comments, reactions from the Senators based on the report that the President has given us. Ang Presidente kasi, every Monday, based on the law, ay sinusunod naman na every Monday pinapadalhan kami ng report nila noong buong linggo kung ano ang nangyayari doon sa laman ng mga batas na dapat nilang gawin. At bukod doon, yung oversight committee, which is composed of Senator Pia Cayetano, Senator Lacson, Senator Drilon and Senator Bong Go, sila yung nakakakolekta nung mga sinasabi ng mga kasamahan, binibigyan namin yung ibang Senador ng kopya, lahat, binibigyan namin. Ngayon, ang nangyayari, nagbibigay sila ng mga komentaryo nila sa mga reaction nila. At si Pia, kiokolekta niya yun, pnapadala niya ngayon sa Executiev Department ulit by Wednesday. So talagang tuloy yung rapport ng Executive Department at ng Senate. I am sure the House is doing it as well, but I am not familiar with what they are doing. Yun, ginagawa yun , so nakikita mo yung reaction, pati yung mga reklamo nung mga Senador na delayed yung mga SAP sa ibaba ay nakarating sa kanila yun.

Q: Sa implementation ng Bayanihan to Heal as One Act, ano yung inyong observation doon po sa ma report na pinadadala ng Pangulo kasi nabibigyan ninyo na rin naman kami ng kopya, ang aking nakikita lagi, ang una kong hinahanap ay yung bigayan ng social amelioration sa mga kababayan natin, eh ang lumalabas po ay magdadalawang buwan na tayo ay nasa 61 percent, based na rin report ng DSWD, ay ganito katagal, ganito kabagal. Ano yung inyong damdamin dito?

SP Sotto: Una, sa akin, kaya nga ipinush ko yan, natatandaan mo, naguumpisa pa lang itong problemang ito, middle of March, tinawagan ko si Sonny Dominguez, sinabi ko sa inyo na katatapos lang tayong magusap, na sinabi ko sa kanya na ang suggestion sa akin, hindi ko naman idea ito originally, ang suggestion sa akin ng isa, dalwa sa malalaking businessmen na kausap ko, sinasabi nila, ang reading nila ay pareho nung reading ko na ang mga local government units pagdating ng isa, dalawang linggo, kakapusin na yung mga pamimigay nilang pagkain, mga ganoon. Kakapusin ng pondo yan. Calamity fund mauubos although inalis namin yung cap ng calamity fund ng mga local. Pero, ganoon pa man, di ba, at sinuggest ko yun at umoo kaagad si Sec. Dominguez, sabi niya sasabihin niya sa Presidente. Ako naman, drinaft ko kaagad yung batas di ba tapos binigay, pinarating namin kaagad sa Lower House. Pinarating ko kaagad sa mga chairmen namin. Ang pinakamahalaga, kaya ko sinasabi yung background na yun, ang pinakamahalaga para sa amin, at para sa akin na orignal na nagpropose niyan, ay yung bigayan ng SAP, yung pnakamahalaga doon sa Republic Act 11469 which is the Bayanihan to Heal as One Act. Yun ang pinakamahalaga.

Q: Yun din ang pinakamahalaga sa ating mga kababayan, yun po ang pinakahihintay.

SP Sotto: Correct. Ngayon, oh di pinasa, umaandar na, ngayon, nadelay, may mga local government units na magagaling na kulang yung binigay ng DSWD, aabonohan o kaya yung iba dadaanin sa goods, abono muna, may mga ganoon. Merong hirap, merong hindi, kaya maraming nagrereklamo, pero nakita ko kaagad yung diperensiya pagdating nung araw na binababa na nila doon which is happening even up to now. Kaya pinipilit ng Executive Department na ituwid, which is iba ang listahan. Iba ang database ng DSWD at saka database ng local government units, ng DILG, kasi walang problema ang DSWD doon sa 4Ps, yung 4PS walang problema, top-off lang naman sila di ba? Ito-top off lang pero nabibigyan na yun, at saka meron ng programa kung paano bigyan, may listahan sila. Eh nasa 3 to 4 million families lang yun, 18.5 million families itong target natin. At idinagdag pa ng President na isama na yung middle income. So nadagdagan ng another 3 million pa yung 18 million.

Q: May inannounce pa kahapon na 5 million pa nga po yung idadagdag pa.

SP Sotto: Yun na yun, yun na yung middle income, isasama yung middle income kasi nga sila ay nagrereklamo, sabi hindi rin sila nagtatrabaho, yung mga empleyado nila hindi naman binibigay yung buong suweldo nila kahit hindi sila nagtatrabaho, mga ganoon, kaya nga sinama na yun. Pero, ang talagang nakita ko kaagad, nung nahihirapan nung umpisa, sabi ko yung National ID System binalahaw ninyo ng dalawang taon, di ba?

Q: Kaya lang yung National ID it will take time pa rin para maisyuhan ng ID di ba? Mag-aapply pa tayo...

SP Sotto: Hindi, August of 2018 tapos na yun. Ang pangako sa amin, ilang buwan lang yung IRR pagkatapos implementation na. Natapos naman nila yung IRR, 2019 dapat sa August or September of 2019, yun ang unang pangako. Hindi natupad, naging January ng 2020, pwede na rin yun kung umabot sila noon. Hind a rin, ewan ko kaya nga nagfile ako ng isang resolution, yun ang isang mahalaga bukas, meron akong finile na resolution na tinatawag ko ng imbestgasyon at inquiry kung bakit nagkaganoon. Ano ang problema, sapagkat meron akong mga naririnig na sumbong galing sa private sector, aba'y magkalinawan tayo.

Q: Na ano?

SP Sotto: Huwag muna, hintayin natin doon, darating yun.

Q: Ano po yan, magkakaroon ng mga pagdinig tungkol dito as soon as possible?

SP Sotto: Oo, ASAP dapat yan kasi yan ang makakasolve ng problema ng database ng listahan ng mga tao kasi masmalaganap yun kesa per family. Ito personal, per person, dapat yan meron kang National ID number bawat Pilipino.

Q: Meantime po na magtatanungan pa po kung paano ba itong National ID na ito, ano yung recommendation para mas mapabilis pa although may commitment na by the end of the month ay dapat lahat na, tapos within the week daw 70 percent pero parang mas kailangan pang bilisan, hindi po ba?

SP Sotto: Sa tingin ko ang second tranche niyan siguradong mas mabilis na pero itong first tranche, ang suggestion ko lang, ako naman ay suggestion ko lang ito, pwede namang bahala sila, suggestion ko kahit lampas na ibigay lang nila ng ibigay, kahit na mali, hindi ba? Kahit na, basta ibigay na ng ibigay. (Unclear) yung mga pamilyang hindi nakalista, ibigay na rin kahit hindi nakalista. Kasi nga kulang yung listahan. That's what I mean, yung mgahindi nakalista doon, tapos nagrereklamo nga sa baba binigyan na raw ng form, ang dinig daw, wala pa ring nangyari.

Q: Huwag na lang mahigpit sa regulations ano po?

SP Sotto: Oo, sana ganoon sana. On day one yun ang pinagusapan namin ng Executive Department. Alam ni Executive Secretary Medialdea yan and I am sure nakarating sa Presidente yang sinasabi namin. Sabi ko throw the rules out of the window, pagka ganito na kailangan, nagugutom ang mga kababayan natin, tapos sabi ko kausapin ninyo muna si Chairman Aguinaldo ng COA, sabi ko huwag muna higpitan yung mga (unclear). Iba ito. Kung baga sa giyera, ang nangyayari sa giyera, ang Pilipino handang magpakamatay para sa bansa di ba? Pero ito, hindi giyera ito, baliktad ito. Mamamatay yung bansa. Hindi baleng mamatay yung bansa para sa Pilipino, ang buhay kasi, ang ekonomiya na sinasabi nila babagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, ang ekonomiya, nareressurect, nababangon yan, kikitain yan. Pero yung buhay, hindi mo kayang iresurrect. Si Hesu Kristo lang ang kaya mong iresurrect, hindi ba? Kaya pag namatay, wala na, eh buhay ang pinaguusapan dito. Ang ekonomiya, mababawi.

News Latest News Feed