Press Release
May 6, 2020

Gatchalian eyes learning from home as "new normal" in schools for SY 2020-2021

Learning from home. This is the "new normal" that Senator Win Gatchalian sees for School Year (SY) 2020-2021 that will ensure the safety and continued education of the country's more than 27 million learners amid the threat of COVID-19.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture said that with the opening of classes in August, students and teachers would still need to maintain social distancing measures to slow down possible virus transmission in schools. For Gatchalian, this would entail allowing only a maximum of 20 learners in a classroom who can come to school on staggered schedules.

Gatchalian emphasized, however, that going back to school does not necessarily mean face-to-face learning because even when learners do not report to classrooms, they should continue their lessons at home with the help of flexible learning modalities, including online platforms, television, radio, and printed materials.

He said that the mix of digital, low-tech, and no-tech methods will help the Department of Education (DepEd) reach all learners, especially those in the far-flung areas without access to the internet. Since not all learners have connectivity and available gadgets for online-based learning, the senator said that television and radio will be key to reaching more learners nationwide.

According to a 2019 study conducted by Dataxis, a global firm specializing in media business, 18.7 million households in the Philippines still watch television and still the preferred medium of 93 percent of Filipinos. Under Republic Act No. 8370 or the Children's Television Act of 1997, television stations are mandated to allocate a minimum of 15 percent of its daily total airtime for child-friendly shows. Global media intelligence firm Kantar Media's 2019 Media Trends Study also revealed that up to 52 percent of Filipinos still own a radio.

While Gatchalian sees a more prominent role for traditional media in DepEd's Learning Continuity Plan, he proposes that the number of subjects be reduced only to the core subjects such as Math, English, and Science to name a few. He also added that DepEd should build partnerships with state-run media organizations such as the People's Television Network (PTV-4) and the Radyo ng Bayan to air these learning materials.

"Marami pa rin sa ating mga mag-aaral sa buong bansa ang hindi nakakagamit ng internet, kaya malaki ang potensyal ng radyo at telebisyon upang maipagtuloy natin ang edukasyon sa loob ng ating mga tahanan. Sa pagpasok ng SY 2020-2021, mahalagang magamit natin lahat ng paraaan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng ating mga kabataan at mapanatili ang kanilang kaligtasan." said Gatchalian.

Gatchalian concluded that the time leading to the opening of classes should focus on preparing teachers, parents, and learners on using different tools for home-based learning.

###

Pag-aaral sa tahanan ang 'new nomal' ayon kay Gatchalian

Learning from home o pag-aaral sa tahanan. Ito ang nakikita ni Senador Win Gatchalian na pinakamabisa at pinakaligtas na paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mahigit dalawampu't pitong (27) milyong mga mag-aaral sa buong bansa sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, kailangang panatilihin pa rin sa mga paaralan ang social distancing kapag nagbukas na ang klase sa buwan ng Agosto. Sabi kasi ni Gatchalian, hindi dapat lumagpas sa dalawampung (20) mag-aaral ang kailangang pumasok sa isang silid-aralan upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Dagdag ng senador, maaaring hindi na pumasok araw-araw ang mga mag-aaral upang maiwasan ang mga malalaking pagtitipon na maaaring maging sanhi ng lalong pagkalat ng virus.

Kung halimbawang hindi na kailangang pumasok ng mga mag-aaral mula Lunes hanggang Biyernes, sinabi ng mambabatas na kailangan pa rin nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa tahanan gamit ang iba't ibang plataporma o learning modalities. Kabilang dito ang mga online platforms, telebisyon, radyo, at mga printed materials.

Ayon kay Gatchalian, ang sabay-sabay na pag-gamit sa digital, low-tech, at no-tech na pamamaraan ng pagtuturo ay makatutulong upang maturuan ang lahat ng mga mag-aaral sa bansa, lalo na iyong mga nasa malalayong lugar at walang internet. Dahil hindi lahat ng mga mag-aaral ay kayang mag-online, nakikita ng senador na malaki ang magiging papel ng radyo at telebisyon upang maabot ang mas maraming mga mag-aaral.

Ayon sa ulat ng Dataxis, isang global firm na dalubhasa sa media business, mahigit labingwalong (18.7) milyong sambahayan sa Pilipinas ang nanonood pa rin ng telebisyon. Kung ihahambing sa ibang medium tulad ng radyo, mas pinipili pa rin ng mahigit siyamnapung poryento (93) ng mga Pilipino ang panonood sa telebisyon. Sa ilalim ng Republic Act No. 8370 o ang Children's Television Act of 1997, mandato sa mga istasyon ng telebisyon ang maglaan ng hindi bababa sa labinlimang porsyento ng kanilang air time para sa mga programang pambata.

Ayon naman sa ulat na 2019 Media Trends ng media intelligence firm na Kantar Media, mahigit limampung (52) porsyento ng mga Pilipino ang nagmamay-ari o gumagamit pa rin ng radyo.

Bagama't malaki ang nakikita ni Gatchalian na magiging papel ng radyo at telebisyon sa binubuong Learning Continuity Plan ng DepEd, iminungkahi niya na bawasan ang mga subjects at tumutuk na lang sa mga tinaguriang core subjects tulad ng Math, Science, English, at iba pa. Ipinanukala rin ni Gatchalian ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa media sa ilalim ng gobyerno tulad ng People's Television Network o PTV-4 at ang Radyo ng Bayan, kung saan pwedeng ipalabas ang mga programang makapagbibigay ng edukasyon sa mga estudyante.

"Marami pa rin sa ating mga mag-aaral sa buong bansa ang hindi nakakagamit ng internet, kaya malaki ang potensyal ng radyo at telebisyon upang maipagtuloy natin ang edukasyon sa loob ng ating mga tahanan .Sa pagpasok ng SY 2020-2021, mahalagang magamit natin lahat ng paraaan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng ating mga kabataan at mapanatili ang kanilang kaligtasan." ani Gatchalian.

Kasunod ng anunsiyo ng DepEd na sa Agosto na magbubukas ang klase, mahalaga ayon sa mambabatas na ihanda ang mga mag-aaral, mga magulang, at mga guro para sa home-based learning.

###

News Latest News Feed