Press Release
May 7, 2020

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS DURING THE SENATE MEDIA VIRTUAL PRESSCON

Magandang umaga po sa lahat. Maghahain ako, kasama ng ilang mga Senador sa mayorya at minorya, ng isang resolusyong naghihikayat sa National Telecommunications Commission na i-reconsider ang kanilang cease and desist order laban sa ABS-CBN. Nagkakasundo ang ilang mga Senador na, sa panahong may kinakakaharap tayong krisis, mahalaga ang access sa tama at napapanahong impormasyon na hinahatid ng media.

Nagkakaisa din kaming mga Senador, mga miyembro ng minorya at mayorya, na nilagay sa panganib ng ceast and desist order na inihain ng NTC sa ABS-CBN ang trabaho ng mahigit 13,000 manggagawa na pwedeng ituring ding mga 'frontliners' sa pandemic ngayon.

Una nang nagsabi ng legal opinion ang Department of Justice na maaaring magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN. Ito din ang naging opinyon ng Senado nung in-adopt namin ang resolusyong i-authorize ang NTC sa pagbigay ng provisional authority.

Hindi bago ang pagbibigay ng provisional authority sa mga prankisang pending pa ang renewal. There is precedent: the Catholic Bishops Conference of the Philippines Broadcast franchise expired on August 4, 2017 and was only renewed on April 22, 2019 by virtue of Republic Act No. 11319. Globe Innove's franchise expired on April 10, 2017 and was only renewed on December 14, 2018. PT&T's franchise expired in November 2015, and was only renewed on July 21, 2016.

Isa ring halimbawa sa hindi dapat panghihigpit ng NTC ang kanilang Memorandum Order 01-03-2020 na nagsasabing ang mga permits certificates at licenses, na mag-eexpire ngayong March 15 hanggang April 14, o habang naka-enhanced community quarantine ay may bisa pa rin hanggang 60 araw pagkatapos ng quarantine period.

Kaya bakit, para sa ABS-CBN lamang at habang nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic, naging selective ang paghihigpit ng NTC? Hindi ba nila alam na pwedeng buhay at kalusugan ng mga Pilipino ang nakasalalay sa delivery ng tamang impormasyon sa publiko? Hindi ba nila inisip na sa gitna ng isang napipintong recession, tatanggalan mo ng hanapabuhay ang libu-libong mga manggagawa? Hindi ba nakakadismaya na habang ang luwag natin sa pagbubukas ng POGO, sinasara naman natin ang isang napakahalagang industriya kagaya ng media?

I hope that more of my colleagues in the Senate express support to this resolution. At sana pakinggan na ito ng NTC kasi sa huli, ang mga Pilipino talaga ang talo sa cease and desist order.

Kailangan nating magkaisa at magtulungan ngayon.

News Latest News Feed