Press Release
May 9, 2020

Transcript of Senator Win Gatchalian's Laging Handa public briefing kasama si PCOO Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio
 ukol sa new norm education

[start recording]

Q: Magandang umaga po sa inyo Senator Win Gatchalian.

SEN WIN: Magandang umaga sa inyo at sa ating mga tagapakinig.

Q: Sir, isa po sa mga pinagdidiskuyunan ngayon ang bagong magiging sistema sa sektor ng edukasyon, paano po natin masisiguro na epektibo itong hybrid education system sa gitna ngg pandemya?

SEN WIN: Unang-una, ang pinakamahalaga ay ligtas ang ating mga kabataan at magulang. Kapag pumapasok po ang mga bata, nagkakaroon ng kumpulan sa gate at sa classrooms. Sa mga silid-aralan natin, sa syudad, alam nating masikip ang mga paaralan dahil nga sa kakulangang din sa espasyo. Tuwing dismissal, ganun din. Ang ating mga magulang pagsundo nila sa kanilang mga anak ay nagkukumpol-kumpol sila sa gate. Ito ang ating iniiwasan ngayon. Ayaw nating magkumpol-kumpol sila dahil ito ay pwedeng maging sanhi ng transmission ng virus. Kaya ang importante ngayon ay mag-implement na rin ho ng tinatawag nating new normal sa ating mga schools. Isa sa mga minumungkahi natin ay ang tinatawag nating learn from home na ginagawa na sa buong mundo ngayon. Ang ibig sabihin nito ay ayusin natin ang ating curriculum, bawasan natin ang bilang ng mga subjects at ituro muna ang pinakamahalaga at gamitin ang traditional medium gaya ng tv at radio para makapagturo. Gusto nating gumamit ng internet pero sa mga statistika na nakita ko, only 40% ng ating mga mag-aaral ay may internet at computer sa bahay. Karamihan pa rin ay wala pang internet kaya gamitin muna natin ang tv at radio sa pagtuturo.

Q: Magandang ideya yan Senator. Hindi ho kaya practical din Senator na baka pwede natin silang bigyan ng buy a computer now, buy a tablet now pay later?

SEN WIN: Pwede rin hong magkaroon ng ganyang programa na parang easy financing sa ating mga kababayan. Dito natin makikita natin na ang tradisyonal na pagtuturo ay hindi na pwedeng gamitin sa mahabang panahon dahil nga maraming aberya ang nangyayari sa ating komunidad kasama na itong coronavirus pandemic. Kaya importante ang paggamit ng teknolohiya kaya sa mga susunod na panahon, kailangang masigurado nating ang ating mga kabataan ay merong access sa internet at ang ating kabahayan ay may access din sa internet at laptop o computer man lang na pwedeng gamitin dahil ito na ang new normal na pwede nating makita sa mahabang panahon. Ngayon, paano natin masisigurado na tuloy-tuloy ang pagtuturo at pag-aaral ng mga kabataan pero ligtas sila sa mga pangyayari ngayon? Isa sa mga minumungkahi natin ay ang learn from home, gumamit ng tv and radio at ang hybrid learning na meron pa ring partisipasyon ang ating mga guro sa mga eskwelahan sa pagbibigay ng edukasyon although importante na mag-practice ho sila ng social distancing. Wala muna po yung mga malalaking pagtitipon sa eskwelahan at importante rin na pagpasok ng mga bata ay may social distancing. Meron dapat silang masks at iba pang gamit na kailangan para labanan ang COVID-19.

Q: Suporatado ho namin kayo diyan Senator kung gagamitin niyo po ang Channel 4 or yung IBC 13 na talagang underutilized, ang kailangan lang ho nating pondo ay malagyan ng magandang transmitter para makaabot sa buong Pilipinas. Anyway, ayon sa Department of Education, sa August 24 na po magsisimula ang school year para sa taong 2020-2021. Kayo po ba ay pabor dito itong August 24?

SEN WIN: Una Martin yung kahilingan mo na i-upgrade yung transmitter ng IBC 13 suportado tayo diyan. In fact in hindsight, 2020 kung ang transmitter nabili na natin at nakabit na sa IBC 13, ngayon pa lang pwede na tayo mag learn from home at pwede na nating gamitin ang IBC 13 at i-mandato ang ating mga kabataan na manood kayo, lahat ng mga grade one manood kayo ng IBC 13 ng alas nuebe hanggang alas dyes. Lahat ng grade two alas dyes naman hanggang alas onse. So magagamit natin yun at kaya dito natin makikita na dapat laging handa na kahit walang pandemya, dapat itong mga kagamitan ng ating pamahalaan ay laging tumatakbo. Going naman doon sa school opening, marami tayong mga private schools na may kakayahan naman mag-implement ng online learning at alam ko maraming mga bata sa private schools na mandato na sa kanila na magkaroon ng gmail account, ng laptop, ng ipad at kung kanilang mga pag-aaral ay may ganitong mga teknolohiya pwede nang mag-open ang mga private schools as early as June, basta walang face-to-face contact at mag-implement na ho sila ng online learning. Gusto ko hikayatin yung mga private schools na ituloy na nila yung pagtuturo via online this coming June and July pero yung face-to-face learning, yung physical pasok hindi na muna nila pwede iimplementa hangga't kampante na tayo na meron nang kakayahan ang ating mga lokal na pamahalaan labanan ang covid-19. On August 24, tingin ko that time, I cannot say this with certainty but tingin ko three months from now, huhupa na itong virus na ito at magiging mas ligtas na ang ating mga mag-aaral sa pagpasok ng eskwelahan. Again, gusto ko ulitin na ito ay tingin lang natin. Itong virus na ito ay bago, hindi natin masabi kung ano mangyayari by August 24 pero sa tingin natin sa ngayon, three months from now tingin ko kaya na humupa ng virus at magiging ligtas na sa mag-aaral natin na pumasok.

Q: Senator, pwede niyo naman po ibahagi sa ating mga kababayan yung mga ilan pang detalye para naman ho hindi makompromiso yung kalidad ng ating edukasyon sa bansa? Proposal po para sa senate hearing kaugnay pa rin po sa basic education program during covid-19?

SEN WIN: Nag-file ho tayo ng resolusyon para makita natin yung impact nitong covid-19 sa ating sistema ng edukasyon lalo na pagdating sa kalidad, sa quality yan ang isa sa pinakamalaking issue bago pa nagkaroon ng covid-19. Ang gusto natin tutukuan ay yung number one tinatawag nating "safe schools". Dapat ang ating mga eskwelahan ay ligtas para sa ating mag-aaral pagdating ng August 24 at may budget na pwedeng gamitin. For example, yung paglilinis ng eskwelahan at pagdidisinfect ng eskwelahan, sino po ang gagawa nito, meron ba tayong budget sa pagbili nitong mga ganitong disinfectant. At yung simpleng bagay tulad ng mask meron bang masks ang ating mag-aaral na maisusuot. Tingin ko by August 24 kahit na merong physical na pagpasok dapat pa rin pong mag-mask para hindi po magkaroon ng hawaan. At titignan rin ho namin yung class size, yung dami ng bilang ng estudyante sa silid-aralan natin. Tingin ko hindi pwede yung 50 students per classroom at kalahti lang dapat, mga 20 to 25. So kung ganun ho yung i-implement natin, hindi po magiging araw-araw ang pagpasok, tingin ko bawasan rin po, mga two days a week or even one a day a week ang pasukan para hindi magsiksikan ang ating mga estudyante sa classroom. In short, titignan ho nam in yung impact ng covid-19 sa ating mag-aaral, paano tayo maga-adjust para maging ligtas po ang pag-aaral ng ating kabataan sa ating bansa at kung meron tayong pondong magagamit para po sigurado na ligtas po ang ating mga mag-aaral at ang ating mga eskwelahan.

Q: Senator alam po natin na maraming mga magulang ang nagaalala sa kapakanan ng kanilang mag-aaral at the same time gusto talaga nila yung edukasyon ay nasa kanilang mga anak pero ano po yung magiging mensahe niyo sa ating mga magulang sa ating bansa?

SEN WIN: Buksan mo yung papel ng magulang, ngayon dahil stay at home ang lahat, bata, magulang ito ang pinakamagandang oportunidad para maging aktibo ang ating mga magulang sa pagtuturo at sa pag-aaral ng ating mga kabataan. Yung simpleng pag tutor sila ng arithmetic, turuan nila magbasa ang kanilang anak sa kanilang tahanan napakalaking bagay na yan. Wag na ho natin hintayin ang proklamasyon ng Department of Education. Ngayon pa lang pwede nang gamiting ng mga magulang ang oras sa kamay nila para turuan ang kanilang mga anak. Sa new normal, malaki ang papel na gagampanan ng ating mga magulang kaya pakiusap natin sa mga magulang maging aktibo sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Q: Okay maraming salamat ho sa inyong panahon Senator Sherwin Gatchalian.

[end recording]

News Latest News Feed