Press Release
May 10, 2020

Transcript ng DZBB interview ni Senator Win Gatchalian kasama si Divine Reyes ukol sa new normal sa edukasyon

[start recording]

Q: Good morning Senator Win Gatchalian.

SEN WIN: Good morning sa ating mga listeners.

Q: Sa ipapatawag niyo pong pagdinig, inaasahan ba nating lilinaw na ang mgiging sistema ng edukasyon sa ilalim ng new normal?

SEN WIN: Maganda yang sinabi mo kung ang ating objective ba ay lilinaw dahil sa ganitong sitwasyon, halos araw-araw ay paiba-iba ang nangyayari at dahil nga sa laki ng pandemya na ito, tayo lahat ay naninibago kung paano tayo gagalaw at paano tayo reresponde. Ang aking pangunahing agenda ay masiguradong ligtas ang ating mga mag-aaraal at mga magulang at guro. Gusto nating ipagpatuloy ang pagtuturo at pag-aaral ho ng ating mga anak dahil ito ay napakahalaga para sa kanila at sa kanilang mga pamilya. Pero bibigyan rin natin ng malaking importansya ang kaligtasan ng ating mga magulang, guro at mag-aaral. Ang inihain nating resolusyon ay para tignan natin ng mas malalim kung ano ang mga bagong patakaran at polisiya para po mapangalagaan po natin ang kalusugan at maging ligtas ang ating mga mag-aaral at guro sa darating na pasukan. Ganun din, titignan natin ang paggamit ng bagong teknolohiya hindi lang ang bagong teknolohiya kundi pati yung lumang teknolohiya dahil nga gusto man nating gamitin ang online learning, hindi naman ho lahat ay may internet. Gusto ho nating gamitin din ang mga tradisyunal na teknolohiya tulad ng tv at radio dahil ito ay mas malawak. Halos lahat ay may tv, sa probinsya halos lahat ay nakikinig sa radio. Mandato ho sa batas na 15% ng airtime ng tv at radio ay dapat ibigay sa pagtuturo at ito ay pwede nating gamitin sa pagtuturo po.

Q: Sa inyong pananaw, gaano dapat kabilis na maihanda ng DepEd ang mga pagbabago sa education system tulad halimbawa, ang pagsasanay sa mga guro kung sila man ay gagamit ng online learning tools?

SEN WIN: Ang nakikita ko diyan pagdating ng August 24, dahil tatlong buwan pa bago mag-August 24, ako kampante naman ako na huhupa na po ang COVID-19 dahil unang-una, maraming testing na mangyayari at base sa mga statistika, bumababa po ang bilang ng nagkakaroon ng virus na ito kaya kampante ako na by August 24, ay gaganda na ang sitwasyon pero hindi ibig sabihin na ligtas na tayo. Malaki rin ang posibilidad na hindi ho araw-araw ang pasok ng mga estudyante, pwede ho yang one or two days a week lang dahil marami sa mga silid aralan natin ay masikip kaya kailangan i-implement natin ang social distancing.

Gusto nating iwasan ang pagkukumpol-kumpol ng mga magulang natin lalo na kung pasukan at uwian. Diyan talaga nagkukumpulan. Pangalawa, kasabay nitong one or two times a week na pagpasok, ay ang paggamit ng radio at telebisyon sa pagtuturo. Bawasan na muna natin ang subjects na ituturo, for example, tanggalin na muna ang PE o Home Economics. Ituro natin ang pinakamahalaga, Math, Science, English at Reading. Yung mga basics lang para ho umangat din ang kagalingan ng ating mga anak at magamit nila itong basics sa kanilang pamumuhay.

Q: So okay lang Senator na hindi masunod ang K-12 Program dahil yung mga subjects po may mga curriculum diyan?

K-12 program

SEN WIN: Ito naman po ay ia-adjust lang po natin, hindi naman po puputulin ang K-12 Program. Iaadjust lang ho natin dahil nga ang sitwason po ngayon ay kakaiba. Ang inaalala ho natin, kahit na bumubuti ho ang sitwasyon, pano kung tumagal po ito? Hindi naman po pwedeng hindi mag-aral ang ating mga anak. Importante na kahit nasa bahay sila, pwedeng mag-learn from home at nagagamit po ang tv at radio para sa pagtuturo.

Q: Unang-una Senator, pabor po ba kayo na sa August ay magsimula na talaga ang klase? Hindi na pwedeng i-delay pa ng ilang buwan?

SEN WIN: Sa ngayon, sa tingin ko kaya na sa August 24. Pero alam natin na ang sitwasyon ay nagbabago po halos araw-araw at buwan-buwan. Sana ho ay tuloy-tuloy na itong paghupa at mawala na itong virus na ito. Sana by that time, meron na ring gamot na makikita-vaccine o gamot para masugpo natin itong COVID-19.

Budget ng DepEd

Q: Pagpasok sa eskwelahan, sapat na po ba yung social or physical distancing para matiyak na hindi talaga magkakaroon ng hawaan?

SEN WIN: Titingnan rin natin sa ating pagdinig ang budget ng DepEd at budget ng mga eskwelahan dahil ngayon, talagang halos araw-araw magdi-disinfect ho sila sa loob at labas ng eskwelahan. Kakailanganin po ng pondo kaya titingnan din ho natin kung sapat po ang pondo nila sa ganitong pagdidisinfect, pagbibigay ng masks, at iba pang kagamitan para maiwasan po ang infection ng COVID-19. Hindi lang ho social distancing kundi yung iba pang kagamitan tulad ng masks, dapat merong sapat na mask na gagamitin ang ating mga magulang, lalo na mga guro. Dapat may sapat silang kagamitan para maprotektahan ang mga estudyante.

Q: May panghuhugutan kaya ng pondo para diyan?

SEN WIN: Correct. Actually hindi ito nakapaloob sa gastusin this year, yun ang titignan ho natin kung meron tayong sapat at kung panoo natin dadagdagan pa.

Tuition fee increase

Q: Sa mga pribadong eskwelahan Senator, may mga tuition fee yan kung gagamit na lang sila ng online learning papano? Baba po ba yung tuition fee?

SEN WIN: Ang mga pribadong eskwelahan nakita ko yung kanilang mga estudyante may kaya naman, yung mga pamilya doon may kaya naman. In fact alam ko ang mga pribadong eskwelahan mandato na gumamit ng internet at laptop, yung tinatawag nating Google Suite, andun na yung mga kailangan nilang basahin online kaya sa mga pribadong eskwelahan hindi na kakailangin ng physical na pagpasok sa classroom. Pwede na sila gumamit ng online para makapagumpisa na, as early as June pwede na mag-enroll. Basta dapat siguraduhin na walang physical contact, walang physical na pagpasok po sa eskwelahan, lahat na po online. Hindi ibig-sabihin na online mas mababa dapat yung tuition fee of course babayaran pa nila yung mga guro nila para gumawa ng lesson plan. Siguro gagamit sila ng youtube pero ang guro pa rin ang magututro over youtube. So hindi ibig-sabihin baba yung tuition fee pero ang kagandahan ho ang private schools ho natin pwede na sila maunang gumamit ng online learning dahil kaya naman ng mga estudyante. Importante lang ho rin mapangalagan yung kalusugan ng kanilang mag-aaral at magulang.

Q: Kung halimbawa sa private school naman Senator mababawasan nga yung subjects na ituturo diba, basic lang talaga yung talaga ituturo sa mga estudyante, hindi ba ito nangunguhulugan na mababawasan din yung guro na magtatrabaho sa panahon na ito sa online learning?

SEN WIN: Tingin ko hindi dahil yung mga guro natin pwede rin silang pumasok at gumawa rin ng ibang mga assignments. For example research, pananaliksik pwede nilang gawin. Para sakin, dapat gawing ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya para maiwasan yung pagtanggal ng trabaho. Ayaw natin mawalan ng trabaho ang ating mga guro, ang non-teaching staff dapat tuloy-tuloy ang kanilang trabaho dahil ito naman ay temporary lang. hopefully nga by August bumalik na kahit papano sa normal yung pagtuturo. Kakailanganin natin yung mga guro and non-teaching staff. So hangga't kaya maiwasan natin yung pagtanggal ho sa trabaho.

Q: Dito sa nangyari sa covid pandemic, nakikita natin sa kabuuan na meron tayong natutunan lalo na sa educational system. Nakikita rin natin kung ano yung kakulangan ng educational system ngayon. So papano po sa mga susunod na pagkakataon na kayo ay magsasagawa pagdinig, paano po natin matutulungan ang DepEd at kahit ang ChEd ng sa ganun maayos po, kung may panibagong ganitong klaseng ng pandemic eh nakahanda na ang educational system na hindi nangyayari kakanselahan natin, na tatapusin ng maaga yung klase, mabibitin nag ang estudyante, makokompromiso po yung mga matututunan?

Libreng internet

SEN WIN: itong pandemya ay meron din tayong matutunan dito. Unang-una ang new normal ay ang paggamit ng teknolohiya. Hindi na ho talagang pwedeng isantabi ang paggamit sa teknolohiya, sa lahat ng bagay lalo na sa pagtuturo. Kaya sa mga susunod na panahon isa yun sa mumungkahi natin ay yung paggamit ho ng teknolohiya sa pagtuturo dahil hindi na pwedeng puro physical yung pagtuturo dapat samantalahin na natin ang internet sa pagtuturo. Isa pa sa titignan natin, ay kung paano mababawasan ang gastusin ng mga pamilya sa paggamit ng internet o online learning. Titignan ho natin kung mailibre ang internet connection pagdating ho sa pagtuturo. For example kung ikaw ay gagamit ng internet, ng youtube sa pag-aaral, dapat ilibre na ho yun. Huwag na natin i-charge yun sa ating mag-aaral. Ganun rin po yan sa prangkisa ng telebisyon, sabi ko nga kanina 15% ng airtime dapat ilaan sa pagututro. Sa telecom companies dapat ganun rin ho, kung magtuturo ho for example ang DepEd dapat ilibre na ho ang kanilang paggamit ng internet para bumaba yung gastusin ng mga magulang at mas mabilis ho sila makapag-adapt sa online learning.

Q: Sa susunod na pagbusisi ng budget ng DepEd I'm sure dapat magkaroon na rin po sana ng paglalaan para dito sa online learning. medyo kulang pa rin ho talaga yung DepEd?

SEN WIN: Kulang talaga, aminin ho natin ngayon lang natin nadidiskubre na masyado tayong nakasalalay sa traditional na pagtuturo pero hindi natin alam, hindi lang naman pandemya ang nararanasan natin, marami tayong kalamidad na nararanasan sa ating bansa at sa ganitong punto na hindi ho pisikal na makakapasok ang ating mga estudyante dapat gumamit ng online learning at dito ho natin nakita yung pagkukulang at moving forward sa mga susunod na panahon, ito naman yung bibgyan natin ng diin.

Q: Abangan na lang namin kung ano magiging pahayag sainyo kung nakalatag na ba ang plano ang DepEd at iba pa nating educational institutions patungkol sa new normal.

SEN WIN: Maging kampante ho ang ating mga magulang at guro dahil ang ating pangunahing direction namin ay siguraduhing ligtas ang ating mga anak, ligtas po ang ating mga pamilya at ang ating mga kawani sa paaralan.

Q: Maraming salamat po sa oras at pagkakataon.

[end recording]

News Latest News Feed