Press Release
May 10, 2020

Mother's Day message of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan

"Di biro ang maging nanay. E maging nanay pa sa 9 na bata? Pero nagawa yan ng nanay ko, si Mommy Emma. Pinalaki kaming lahat nang maayos. Dahil pre-school teacher siya, siniguro niyang may mga laruan at libro kami, kahit second-hand dahil bagamat hindi naman kami masasabing mahirap hindi din lubos ang kayamanan. At kapag 9 ang anak, halos laging kapos ang budget para makabili ng bagong mga libro o laruan. Tiniyak din niyang marunong kaming magdasal, at mabuhay nang may paggalang at pagmamahal sa sarili at kapwa.

I was a sickly, asthmatic boy growing up, and when I was down with high fever and convulsions, my Mommy Emma would take care of me and nurse me back to good health. At ngayong siya naman ang mas maraming nararamdaman, siya naman ang inaalala at inaalagaan namin (with social distancing).

Dahil sa pandemya, mas kakaiba ang hinaharap ng mga nanay natin, lalo na yung mga hirap sa buhay. Paano papakainin ang mga anak? Paano ang kanilang pag-aaral? Paano sila aaliwin ngayong napakainit at nakakulong lang sa bahay?

While the pandemic seems to have put our lives on hold, the unwavering love and hard work of our mothers keep our households and our communities in a steady, comforting hum. Also front-liners, whether inside or outside our homes, they continue protecting us and making us feel hopeful in their countless selfless ways.

Lahat tayo anak. Wala tayo kung wala ang mga nanay natin. Kaya kasama man natin sila sa bahay o hindi, ipadama natin ang pagmamahal at pasasalamat natin sa lahat ng kanilang sakripisyo.

Salamat Mommy sa iyong sakripisyo para sa akin at 8 kong mga kapatid."

News Latest News Feed