Press Release
May 12, 2020

Libreng mass testing, contact tracing kasabay ng quarantine: Pangilinan

"56 araw na tayong naka-ECQ sa Metro Manila. Magiging 'unli' quarantine ang mangyayari kung walang agresibo at tuloy-tuloy na libreng mass testing at contact tracing, isolation para sa mga na-test, at treatment para sa mga nagpositive.

Naiintindihan natin ang pangangailangan na luwagan na ang quarantine sa ilang bahagi ng bansa dahil kailangan ng mga kababayan natin ang trabaho at hindi umasa lang sa food packs at SAP mula gobyerno. Lalong tumatagal ang quarantine, lalong nauubos ang konting naipon, lalong nababaon sa utang, lalong lumalaki ang takot at pangamba. Para sa mga kapos na kapos, lalong nagugutom.

Pero alam natin na dala ng pagluwag ng quarantine ang posibilidad na mas dumami pa lalo ang kaso ng COVID sa bansa.

The initial ECQ and the subsequent extensions should have bought us time to conduct the testing, as experts find the cure.

Simula March 17 pa tayo naka-ECQ. Nasaan na ang mga aksyon para masugpo ang pandemya? Nasaan na ang mas agresibong mass testing at contact tracing para agarang ma-isolate ang mga kinakailangang i-isolate at gamutin ang dapat gamutin?

Kung ang South Korea nga na napababa na ang kaso ng COVID ay nagkaroon ng second wave dahil sa pagluwag ng quarantine, paano pa kaya sa Pilipinas?

Kailangan tuloy-tuloy din ang suporta sa ating mga ospital at health care workers (International Nurses Day nga pala ngayon. Pagpupugay sa mga front-liner nating nurse). Tuloy-tuloy ang pag-iingat. Lumabas lamang kung kailangan. Suotin ang face mask. Ipatupad ang libreng mass testing at contact tracing - ang pundasyon ng anumang hakbang kontra-pandemya."

News Latest News Feed