Press Release
June 12, 2020

MENSAHE SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG KALAYAAN

"Bayan ko, binihag ka, nasadlak sa dusa."

Gaya ng nasa awitin, ganito ang kalagayan ng ating bansa ngayon. Nalugmok sa lusak na kagagawan ng mga traydor, ng mga pinunong mas inuuna ang interes ng dayuhan kaysa Inang Bayan. At mas masahol pa, sa panahon ng krisis ay walang pakundangan pa nilang niyuyurakan ang karapatan at dignidad ng mamamayan.

Imbes na mahabag ang gobyernong ito sa mga maralitang lalong naghirap dahil sa pandemya, imbes na pagbutihin ang serbisyo para tulungan silang makabangon at mabigyan ng ayuda, anong inatupag nila?

They are further weaponizing the law to silence dissent and stifle activism, while covering up their own brutality, corruption and incompetence. They railroaded the passage of the Anti-Terrorism Bill, which is like putting the final nail on the coffin of our rights and freedoms. It is giving this power-mad and bloodlusting regime the license to further terrorize, oppress and abuse our people.

Kung pumatay na sila ng libo-libong mahihirap, kung inaresto nila ang mga pumupuna lamang sa mga kapalpakan ng gobyerno, kung mahigit tatlong taon na nilang ipinakulong ang isang inosente--ang isang nanunungkulang Senador--gamit ang mga imbentong kaso at inilagay pa sa isang detenidong incommunicado nang wala pa ang anti-terror bill, ano pa ang hindi nila kayang gawin sa ordinaryong Pilipino kapag naging ganap na batas na ito?

Kaya naman maigting akong nakikiisa sa sama-sama nating protesta sa araw na ito. Bawiin natin ang ating dangal at ipaglaban ang kalayaan mula sa Pangulo at gobyernong pro-China. Tuldukan natin ang mañanita ng mga hipokrito't doble kara. Ipakita natin ang lakas ng sambayanang nagkakaisa tungo sa bayang tunay at sakdal laya.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino!

#JunkTerrorBill #AtinAngPinas #Mañanita

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

12 Hunyo 2020

News Latest News Feed