Press Release
July 10, 2020

COVID-19 threatens gender equality; Gatchalian seeks interventions to keep girls in school

Following the release of an International Labour Organization (ILO) report on how the COVID-19 pandemic is disproportionately affecting young people, especially women, Senator Win Gatchalian says the Department of Education (DepEd) should have a targeted approach to prevent more girls from dropping out of school as we enter into the final stretch of enrollment.

At this point, class advisers in charge of enrollment should be mobilized to target vulnerable girls at risk of dropping out, Gatchalian said. He added that DepEd should implement its Learning Continuity Plan (LCP) in a way that allows flexibility and self-paced learning, especially for women who shoulder the burden of care.

While the World Economic Forum's (WEF) Global Gender Gap Report 2020 revealed that the Philippines retains the smallest gender gap in Asia, Gatchalian said the country's gains on gender equality would suffer without interventions to keep girls in school.

Gatchalian explained that girls' enrollment tends to decline in the midst of crises. He recalled that when the Asian crisis of 1998-1999 hit the Philippines, secondary school enrollment rates fell by 8 percent for girls and nearly 7 percent for boys.

The lawmaker also shared that during the Ebola outbreak, girls aged 12-17 in Sierra Leone were 16 percentage points less likely to be in school when classes reopened. Lessons from the Ebola crisis also revealed that when girls drop out of school, they are more exposed to teenage pregnancy, child labor, physical and sexual abuse. Girls also tend to take on the burden of care-related tasks, which affect their ability to continue their education in the long term.

Gatchalian also said DepEd should have an inclusive policy on allowing pregnant learners and young mothers back to school, especially since they already face stigma and discrimination that hinder their access to education.

If more girls drop out of school and fail to complete their education, Gatchalian warned that they will not be able to access opportunities to make a decent living, which increases their likelihood of falling into poverty.

"Sa nalalapit na pagbubukas ng klase ngayong panahon ng pandemya, dapat siguruhin natin na hindi mapag-iwanan ang mga batang kababaihan dahil kung susuriin natin ang karanasan natin at ng ibang mga bansa, sila ang mas nanganganib na tumigil sa pag-aaral," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"Sa mga nalalabing araw ng enrollment, dapat siguruhin natin na ang mga batang kababaihang nangangailangan ay makakapag-parehistro. Dapat maging angkop din sa kanilang mga pangangailangan ang magiging sistema ng pagtuturo," he added.

Enrollment period in public schools is extended until July 15, while classes are set to open on August 24.

###

Gatchalian: mga batang babae mas nanganganib tumigil sa pag-aaral dahil sa COVID-19

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education o DepEd na magpatupad ng isang mabisang paraan para maiwasang tumigil sa pag-aaral ang mga babaeng estudyante, lalo na ngayong nasa huling yugto na tayo ng enrollment period.

Batay daw kasi sa mga naging karanasan ng bansa kapag may krisis, hindi malayong bumaba ang enrollment rate ng mga estudyanteng babae, tulad halimbawa ng nagdaang Asian financial crisis. Nuong tumama raw ito sa bansa taong 1998-1999, mas mataas ang ibinaba ng enrollment rate ng mga estudyanteng babae na walong porsiyento kung ikukumpara sa enrollment rate ng mga estudyanteng lalaki na pitong porsiyento.

Inihalimbawa rin ng mambabatas ang Ebola outbreak sa Sierra Leone, isang bansa sa West Africa, kung saan maraming mga babaeng nasa edad na 12-17 ang hindi nakapag enroll nang magbukas ang klase. Bukod sa nakaranas ng maagang pagbubuntis ang ilan at sexual abuse, sumabak naman sa child labor ang iba. Mayroon din sa kanilang nagmistulang tagapangalaga ng pamilya kaya hindi na naipagpatuloy at nakapagtapos sa pag-aaral.

At ngayong may pandemya, ayon sa pinaka huling ulat ng International Labour Organization (ILO) mas malaking pinsala ang dulot ng krisis ng COVID-19 sa mga kabataang kababaihan.

Sabi ni Gatchalian dapat bumuo ang DepEd ng patakaran para mapayagang makapasok sa eskwela ang mga batang ina upang mawala ang stigma at diskriminasyon sa kanila at makapagpatuloy sila sa kanilang pag-aaral.

Babala ni Gatchalian, kapag hindi nila naipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, hindi malayong mapagkaitan sila ng oportunidad sa trabaho at mapabilang sa tumataas na poverty rate.

Kaya mahalaga aniya ang papel ng mga class advisers na nagsasagawa ng enrollment upang maabot ang mga kababaihang nanganganib tumigil sa pag-aaral. Dagdag ng mambabatas, dapat ipatupad ang Learning Continuity Plan o LCP sa paraang angkop sa sitwasyon ng mga batang kababaihan, lalo na iyong mga umaako ng mas maraming responsibilidad sa gitna ng pandemya.

Sa Global Gender Gap Gap Report 2020 ng World Economic Forum o WEF, Pilipinas pa rin ang tinaguriang may pinakamaliit na gender gap sa buong Asya. Ngunit kung hindi mapapanatili ang mga batang kababaihan sa paaralan, nagbabala si Gatchalian na maaaring mawala ang mga natamo ng bansa para sa gender equality.

"Sa nalalapit na pagbubukas ng klase ngayong panahon ng pandemya, dapat siguruhin natin na hindi mapag-iwanan ang mga batang kababaihan dahil kung susuriin natin ang karanasan natin at ng ibang mga bansa, sila ang mas nanganganib na tumigil sa pag-aaral," ani Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"Sa mga nalalabing araw ng enrollment, dapat siguruhin natin na ang mga batang kababaihang nangangailangan ay makakapag-parehistro. Dapat maging angkop din sa kanilang mga pangangailangan ang magiging sistema ng pagtuturo," dagdag ng senador.

Sa Hulyo 15 magtatapos ang enrollment samantalang sa Agosto 24 naman nakatakda ang pagbubukas ng klase.

News Latest News Feed