Press Release
May 2, 2024

Robin Advocates Responsible Gun Ownership with 'The Robinhood Padilla Cup'

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Thursday made clear his advocacy for responsible gun ownership by launching a four-day shootfest at Camp Emilio Aguinaldo in Quezon City.

Padilla, a gun enthusiast, also said he hopes "The Robinhood Padilla Cup (First Mistah Shootfest)" will also help rebel returnees reintegrate into society, as organizers planned for proceeds of the event to go to helping them.

"Kapagka ang baril sinama mo ng paging responsable, napakagandang ka-partner nito. Kasangkapan mo yan hindi para awayin mo kapwa mo... Ito ang gusto nating iparating sa ating kababayan. At sino ba ang pinakamagandang magtuturo niyan, siyempre ang Sandatahang Lakas (Firearms and responsible ownership are a good partnership. Firearms should never be used for violence. This is the message we want to impart to our people. And who better to teach this than the Armed Forces of the Philippines)," he said.

"Siguro pagkatapos ng ating pangungulungan ng 3 taon na galing sa baril, wala na po sigurong magiging pinakamagandang modelo ng paghawak ng pagiging responsable sa usapin ng baril kundi ako na po yan sapagka't ako po ay 3.5 taon nakakulong dahil sa illegal possession of firearms. Paglabas ko po ng kulungan, nasa utak ko talaga ang bagong anyo ng buhay. Kailangan may bagong makita, di basagulero o mainit ang ulo (I consider myself as a model for responsible ownership as I was imprisoned for three and a half years because of illegal possession of firearms - and vowed to mend my ways. I am no longer hotheaded)," he added.

Padilla stressed the AFP has a big role in helping civilians learn discipline and the proper use of firearms. He said he hopes the shootfest would help civilians change their thinking that firearms are for violence.

For its part, the PMA Banyuhay Class of 2002, which organized the event, said the shootfest aims to help former rebels who wish to return to the fold of the law through scholarships.

The event will run from May 2 to 5. On May 2, the shootfest will involve uniformed personnel and government officials; while a celebrity fun shoot is scheduled on May 5.

Sanctioned by the Philippine Practical Shooting Association (PPSA), the shootfest will allow handguns, Pistol Caliber Carbines (PCCs), and mini-rifles.

A registration fee of P2,500 was to be collected from participants.


Robin, Isinulong ang Responsible Gun Ownership sa 'The Robinhood Padilla Cup'

Isinulong ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Huwebes ang kanyang adbokasiya para sa responsableng pagmamay-ari ng baril sa pamamagitan ng apat na araw na shootfest sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City.

Ayon kay Padilla, na isang gun enthusiast, umaasa din siyang matutulungan ng "The Robinhood Padilla Cup (First Mistah Shootfest)" ang mga dating rebelde na nais magbalik-loob, base sa plano ng nag-organisa nito.

"Kapagka ang baril sinama mo ng paging responsable, napakagandang ka-partner nito. Kasangkapan mo yan hindi para awayin mo kapwa mo... Ito ang gusto nating iparating sa ating kababayan. At sino ba ang pinakamagandang magtuturo niyan, siyempre ang Sandatahang Lakas," aniya.

"Siguro pagkatapos ng ating pangungulungan ng 3 taon na galing sa baril, wala na po sigurong magiging pinakamagandang modelo ng paghawak ng pagiging responsable sa usapin ng baril kundi ako na po yan sapagka't ako po ay 3.5 taon nakakulong dahil sa illegal possession of firearms. Paglabas ko po ng kulungan, nasa utak ko talaga ang bagong anyo ng buhay. Kailangan may bagong makita, di basagulero o mainit ang ulo," dagdag niya.

Idiniin din ni Padilla na malaki ang maitutulong ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagturo sa sibilyan ng disiplina sa tamang paggamit ng baril. Aniya, sa pamamagitan ng shootfest, umaasa siya na na mabago ang isipan ng mga sibilyan na ang baril ay pang-karahasan.

Ayon naman sa PMA Banyuhay class of 2002 na nag-organisa ng shootfest, matutulungan ng shootfest ang mga dating rebelde na nais magbalik-loob dahil sa kanila mapupunta ang malilikom para sa shootfest na ito, sa pamamagitan ng scholarship.

Gaganapin ang shootfest mula Mayo 2 hanggang 5. Sa Mayo 2, kasali sa shootfest ang uniformed personnel at opisyal ng pamahalaan. Sa Mayo 5, magkakaroon din ng celebrity fun shoot.

May pahintulot ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) ang shootfest, na papayagan ang paggamit ng handguns, Pistol Caliber Carbines (PCCs), at mini-rifles.

Ang mga lalahok ay magbabayad ng registration fee na P2,500.

*****

Video: https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=446404814551464

News Latest News Feed