Photo Release

September 30, 2019

Please support SB.No. 1077: Suportahan ang panukalang pagtatatag ng NTSB. Sa kanyang co-sponsorship speech, hinikayat ni Sen. Bong Revilla ang kanyang mga kapwa senador na suportahan ang pagpapasa ng Senate Bill No. 1077 na nagtatakda sa pagtataguyod ng isang National Transportation Safety Board na magsisilbing garantiya sa kaligtasan ng ating mga kababayan. Bilang isang independent at non-regulatory agency, pangungunahan ng nasabing Board ang imbestigasyon sa mga aksidente sa himpapawid, highway, pipeline, railroads, karagatan, at iba pang insidenteng may kinalaman sa transportasyon. Si Revilla ang principal author ng Senate Bill No. 651 na nagtataguyod ng National Transportation Safety Board.

Photos