Press Release
April 15, 2010

Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc with Sen. Manny Villar

Q: Paglipat ni Salceda sa LP

Villar: Maliwanag na iyan. Talagang ako kung baga ay na-vindicate na at talagang napatunayan na na malaking kamalian ang mga Villaroyo, GloriAquino pala dapat talaga ang sabihin. Dito nakita mo naman talaga na biktima ako ng black propaganda. Noong una sinabi nila na hindi sila tatanggap ng taga-Lakas. Ngayon ay may lumilipat din sa kanila. Nangangahulugan na tama ang aking sinasabi na talagang kapag matatapos na ang isang term ng pangulo, ang mga local officials ay lumilinya at sila ay pumipili ng kanilang magiging lider. Higit na nakararami ang gustong lumipat sa akin dahil sa ako ay dating Speaker at Senate president. Ang mga ito naman ay mga kaibigan natin, matagal ang aming pinagsamahan at nakita nila ang aking liderato at kakayahang mamahala. At yung binibintang nila sa akin na Maka-adminsitrasyon, sinasabi lamang nila iyong noong wala pang lumilipat sa kanila. Noong may lumipat na sa kanila, suddenly ngayon ay welcome na welcome with open arms ang mga Lakas. Kaya sabi ko iyong nangyari noong Marso na sobrang paninira, ay isa-sa ngayong napapatunayan na puro kasinungalingan at kabulaanan. Ngayon ay lumiliwanag na na iyan pala ay ibinato lamang sa akin pero ang totoo ay sila mismo ay nanliligaw din. Habang binibira nila ko diyan ay nililigawan din nila ang mga lokal na iyon at ngayon paglipat sa kanila ay welcome na welcome. Kaya maliwanag iyon, vindicated ako dito. At isa na namang issue ang ating nabura sa napakaraming ibinato nila.

Q: Ang balita namin, meron pang matataas na lider ng Lakas ang nakatakdang sumapi dito sa NP?

Villar: Marami. Sa amin din naman, hindi ko ikinakaila na napakaraming sumasali at sasali pa sa atin. Maraming gobernador na ang sumali sa atin, o kaya ay nagbigay ng suporta sa atin bukod sa mga Marcos sa Ilocos Norte, mga Singson sa Ilocos Sur, at Gov. Ortega, Gov. Espina ng Pangasinan, at Gov. Yap ng Tarlac. At dito naman pos a Kabikulan ay maraming gobernador ang sumali sa atin, Gov. Typoco (Camarines Norte) halimbawa, at dito po sa Visayas ay marami pong sasali sa atin. Nagpakita na rin po ng suporta sa atin si Tony Co ng Masbate. Dito naman pos a Cebu ay napakaraming congressman at mayor ang sumasali sa atin. Siguro in the next two days, dito sa Bohol ay maga-announce na rin po ang ating mga kasamahan diyan at maging sa Negros po ay maga-announce na din. Sa Mindanao ay marami na tayong nag-announce na kasamahan. Maliwanag naman po na ang bandwagon ay nangyari na at nangyayari na sa kasalukuyan habang tayo ay nag-uusap. Ito naman po ay sa kadahilanan na sa tuwing eleksyon talaga ay naghahanap sila ng malilipatan. Ang masasabi ko lang, pati sila ay nililigawan ng Liberal, iyan ang sinasabi nila. Kaya nagiging dalawang mukha ang Liberal. Parang komo hindi sila nakakakuha ng madami ay ito ang kanilang ikinakalat. Kaya ako ay masaya rito at napatunayan once and for all na talagang black propaganda ang ibinato sa akin. Walang kinalaman ang pangulo dito. Ito ay talagang mangyayari at mangyayari sa isang pagkakataon na matatapos na ang term ng isang pangulo.

Q: Ngayon ang binanatan naman ay ang mga endorsers ninyo na meron daw reputasyon na babaero...

Villar: Ang aking pakiusap sa mga bishop, tingnan nila ang mga kandidato hindi ang endorsers . hindi ko naman pwedeng pakialaman ang buhay ng mga endorsers, sila naman po ay mahal ng kanilang mga tagahanga at milyon-milyon po iyan. Si Manny Pacquiao, si Dolphy, at si Willie Revillame halimbawa, ay minamahal po ng milyun-milyong Filipino. Hindi naman po natin masasabing walang lugar ang kanilang pagmamahal sa tatlo na iyan. Gayon pa man, dapat po tingan natin iyong lifestyle po, iyong pamilya, ng kandidato mismo. At diyan naman ako nagmamalaki, sa palagay ko dyan sa aspetong iyan ako ay lamang na lamang sa aking mga kalaban. Sana ang tiningnan ng mga bishops ay ang kandidato mismo. Maganda sana iyan kung narinig ko sa kanila na ang kandidatong maayos ang pamilya ang dapat nating ihalal. Diyan po naman sa aspeto na iyan maipag mamalaki ko po. Napakalaking bagay pos a akin ang aking pamilya. Iyan ay isang bagay na maipagmamalaki ko naman.

Q: Maraming nakapansin na nakatuon ang inyong political ad sa kakayanan at karanasan ng isang kandidato...

Villar: Kasi iyong sinasabing hindi kayang tapusin ang kahirapan, iyan ang pinakamalaking kasinungalingan na narinig ko sapagkat ang totoo niyan, halos lahat n gating mga karatig-bansa ay nakaraos na sa kahirapan--Japan, Korea, Taiwan, Singapore, Thailand, Malaysia, China, India--kung hindi pa tapos, patapos na, ang iba malayo na. ang Indonesia nga nalagpasan na tayo. Ang Vietnam hinahabol na tayo. Naku, kawawa naman itong ating bayan. Samantalang tayo, hanggang ngayon ay marami pa ring naniniwala na hindi naman talaga kayang tapusin iyan. Kaya po iyan, tingnan natin, ano ba ang ginawa ng mga karatig-bansa natin, ang ginawa nila naghalal sila ng isang lider na may liderato, may karanasan at may kakayahang pamahalaan ang ekonomiya. Kaya nga masigla ang ekonomiya nila. Iyan ang nangyari sa India, Singapore, Taiwan...

Q: Hindi iyong laban lang ng laban?

Villar: Hindi iyong popularidad lamang ang basehan. Noong nakapaghalal sila ng isang taong may kakayahan, talagang nabaligtad ang ekonomiya nila. Talagang naibangon sila mula sa kahirapan. Iyan na po ang talagang nangyari sa karatig-bansa natin kaya iyan ang aking sinasabi ngayon. Ito po ay pagkakataon na natin para baguhin an gating batayan sa pagpili.meron ho tayong pagkakataon ngayon para once and for all makaahon nap o tayo sa kahirapan. Hindi imposible iyan, nagawa na ng lahat ng karatig-bansa natin. Kaya rin po natin iyan. Gagamitin natin ang formula na nakitang effective sa kanilang lahat�iyong paghalal ng isang competent o o may kakayahan na pangulo ng bansa.

Q: Marami ang nagsasabi na dapat dumaan sa Psycho Test ang lahat ng nag-aambisyon na manungkulan sa bayan.

Villar: Talagang dapat iyan. At kung talagang may duda sa iyo o sino man sa amin na may duda sa aming kalusugang mental o pisikal, iyan ay sabihin natin. Ang pangulo ang magiging Commander-in-Chief n gating Armed Forces, baka kung ano iutos niyan, may problema iyan. Kaya iyang psychiatric exam o psychology test ay dapat na walang problema sa aming lahat iyan. Sino man sa amin ang maakusahan ng ganyan, dapat mag-undergo ng test. Karapatan ng ating mga mamamayan iyan na makita na ang magiging pangulo ng Pilipinas ay walang ganyang problema.

Q: On power and oil price hike

Villar: Totoong napakabigat ng mga problemang iyan kaya ang sabi ko nga, ang sino mang magiging pangulo ay sa unang araw pa lamang ay dapat kaya na niyang gawin iyan. Dapat kaya na niyang harapin iyan. Hindi agad na malulutas iyan subalit dapat ay may karanasan siya sa mga ganitong problema. Iyong malakihang problema gaya nito ay dapat hindi na siya nagugulat. At wala nang panahon para mag-aral pa, para mag-on the job training, wika nga, parang probationary period. Ang pangulo po ay bubulagain na ng problema ng napakataas na presto ng langis, ng gasolina, kuryente. Walang kuryente sa Mindanao at sa ibang panig ng kapuluan. Bubulagain siya ng El Nino na tumutuyo sa ating agrikultura, bubulagain siya ng P300 bilyon na kakulangan sa pananalapi. Ito po ay ilan lamang sa suliranin natin, kasama na rin ang drug problem na napakalaki na rin at walang pumapansin na kandidato pero lumalala po ang ating illegal drug situation. Ito po ang mga problema na bubulaga sa isang magiging pangulo. Kaya kung ang isang pangulo ay walang kakayahan na ipakita sa nakaraang panahon, paano po niya haharapin ang ganitong problema? Kung halimbawa may kwestyon sa aming psychological na kakayahan, malaking bagay po iyan. Malaking problema ito at malaking stress ang idudulot nito sa sino mang magiging pangulo. Kaya sinasabi ko nga, iyon lang po, tingnan po nating mabuti. Naniniwala ako na sa mga darating na linggo, konti na lamang ang linggong nalalabi, tingnan po nating mabuti iyan. Kapag inalis mo ang mga black propaganda na iyan, talaga bang ano ang kakayahan naming lahat para mamuno ng ating bansa at maiahon na itong ating bayan mula dito sa ating kinasasadlakan ngayon?

News Latest News Feed