Press Release
May 2, 2020

Transcript of DWIZ's Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
Usapang Senado by Ms. Cely Bueno

Q: Tuloy na ang resumption ng session sa Monday at ang sabi ni Senate President Sotto ay dapat dumalo muna physically at saka ipapasa ang resolution to allow session via teleconference? Kayo po ba makakadalo?

SFMD: Siguro dadalo ako, notwithstanding the risk and the prohibition na ginawa ng IATF na people like me, aged 60 and above, ay hindi pwedeng umalis ng bahay. Sa akin, pwedeng ituloy yung session through teleconference without the need of a resolution. Kung inyong maalala, yung HoR nag-convened sila nang wala namang resolution allowing telecommunication. Sa aking tingin, hindi naman kailangan ng resolution pa para mag-session through teleconference. Ganunpaman, hindi naman masama na magkaroon ng resolution ngunit ako ay naniniwala na kahit walang resolution ay pwede nating ipagpatuloy ang session through teleconference.

Q: Ang concern yata baka in the future may kumwestyon sa proceedings kung hindi i-ammend ang Senate rules.

SFMD: Walang prohibition sa Senate rules at sa ating Saligang Batas ay may kapangyarihan ang Senado to set the rules of procedures. Iyan ay nasa Saligang Batas at hindi pwedeng kwestyunin ng Korte Suprema. Mayroon ng precedent diyan, yung special session na ipinatawag ng Pangulong Duterte kung saan doon sa HoR, nagkaroon ng session through teleconferencing.

Wala namang bawal na magkaroon ng session through telecommunication. Ang isang problema diyan, kapag nag-roll call sa Lunes at walang quorum? Paano ipapasa ang resolution? Kapag kailangan ang physical presence at walang enough warm bodies sa session hall, paano mo ipapasa yung resolution? Kaya sinasabi ko na hindi kailangan ng resolution.

Q: Kayo po ay co-author sa resolution ng 15 senators allowing teleconference?

SFMD: Kasama ako roon sa pumirma ng resolution pero sa aking tingin kahit walang resolution ay pwedeng mag-call to order through teleconferencing.

Q: Sinasabi mo na hindi pa rin daw pwedeng mag-participate si Sen. De Lima kahit through teleconference?

SFMD: Iyan po ay nasa husgado. Wala roon sa resolution na sinasabing hindi pwede mag-participate si Sen. De Lima. Ngunit ang dapat bigyan ng diin ay kung pwede o hindi siyang sumali ay ang husgado ang magpapasya. Bakit po? May rule ang senado on teleconferencing. Wala pong sinasabi na hindi pwede si Sen. De Lima. Ngunit ang position ng PNP ay hindi siya papayagan at dahil si Sen. De Lima ay in legal custody ng husgado, ang husgado po ang magpapasya. Nangyari na iyan sa panahon ni Jalosjos at kay Sen. Trillanes, ultimately the Supreme Court had to decide whether or not the participation through teleconferencing of legislators under detention can be done.

Q: Kung sakaling gustuhin ni Sen. De Lima, siya po ang dapat mag-initiate sa Korte?

SFMD: Tama po.

Q: Tama po ba may isinumite kayong resolution noon together with Sen. Lacon para payagan si Sen. De Lima to participate in Senate proceedings?

SFMD: Yes, asking that she be allowed. As I've said, a court would have to determine what are the rights of a person deprived of liberty like Sen. De Lima to participate through teleconferencing in the proceedings of the Senate.

Q: Marami ang nagtataka bakit kasama ang partial operation ng POGO?

SFMD: Ang sinasabi nila rito ay ang POGO ay parte ng BPO. Nakakainsulto naman po iyan sa nakakaintindi nito. Alam mo naman na matagal ko nang ino-oppose ito.Unang-una, ang PAGCOR ang nagbibigay ng license sa POGO. Ang nagbibigay ng license sa BPO ay PEZA o BOI. Ang PAGCOR, sa batas, ay nagbibigay ng license sa gambling industry, hindi sa BPO. Kung ito ay BPO, bakit ang PAGCOR ang nagbibigay ng license? Sila rin ang nagsu-supervise ng POGO. Ano ang ibig sabihin? Talagang gambling ang POGO. Ang sabi nga, if the POGOs look like a duck, swim like a duck, quack like a duck, it must be a duck. Baluktot sa akin iyang ganyang interpretation. Nakakainsulto na sabihin mong BPO industry ang POGO.

Q: Ano po ang pangamba ninyo?

SFMD: Unang-una, wala mang COVID, ang daming problema na idinulot ng POGO. Inamin ng pulis na noong walang POGO, yung mga krimen na naririnig natin ngayon ay non-existent. Regardless of the health emergency, hindi dapat magkaroon ng POGO. Lalo na ngayon, how will you enforce the social distancing diyan sa mga POGO operators? Nakikita mo naman. Walang additional employment ito. Pangalawa, it is common knowledge na sa isang bahay may 30 POGO employees.

Unang-una, may 60 licenses sa POGO. Ibig kong tanungin, sino ba ang mga licensed operators ng POGO? Bakit mahal na mahal naitn ito? Siguro naman the public is entitled to know who are the licensed POGO operators.Mukhang napapaboran sila and we are willing to risk everything just so we we can have POGOs to operate.How much income do POGO operators make in the Philippines? Wala pang nakakaalam. Yung P8 billion na sinasabing nakokolekta, sapat ba iyan sa lahat ng nangyayari which affects our social fiber as a community? Yung mga crimes committed identified with POGO operations.

Huling punto, marami pong budget sa Bayanihan to Heal as One Act. Sa estimate ko lang there is approximately P1.5 trillion budget na pwedeng i-realign ng pamahalaan at available for disbursement. Pwede nating hilingin sa DBM magkano ang budget at magkano na ang na-disbursed? Kasi sa 2019 budget may savings pa rin doon at may authority ang Pangulo to realign the budget. Hindi maliwanag sa akin bakit sinasabing kailangan nating itong POGO to generate funds for COVID-19 emergency operations.

Q: Considering na marami naman palang budget, kailangan bang ipaliwanag bakit kailangan i-risk itong POGOs para magkaroon ng pondo?

SFMD: Tama iyan. We can file a resolution requesting for the inquiry why we need POGOs to operate. Unang-una, bakit papayagan, eh hindi naman iyan essential business. Yung ibang casinos ba pwedeng mag-operate o ang pinapayagan lang ay POGO? Hindi po tama iyan. Hindi sang-ayon sa batas.

Q: Bakit priority ang POGOs?

SFMD: Iyan ang gusto kong malaman. Ang kikitain ba sa POGO ay sapat in the face of the problems that we face due to POGO.

Hinihiling ko sa Pagcor, for the sake of transparency: Sino po ang licensed POGO operators? Ito ba ay mga Pilipino o mga dayuhan din.

Q: Ang Malakanyang kapag nagpe-presscon, sinasabi nila na nauubusan na tayo ng pondo. Pinaghahanap ang DOF.

SFMD: Unang-una, wala akong objection sa supplemental budget kung kailangan. Ngunit bago iyan, tingnan muna natin kung ano ang nangyari sa authority to realign the budget. Maraming savings at may authority to realign ang Presidente. Magkano na ba ang na-realign at na-disbursed? Mayroon pa bang balance? Ang bilang natin na available budget ay P1.5 trillion for 2019 and 2020 budget.

Q: Kuntento po ba kayo sa nagiging takbo ng pamamahagi ng SAP?

SFMD: Isa po iyan sa ating tatanungin kung bakit? May sapat na budget at authorization, bakit hindi umaabot sa mga mahihirap kung totoo man ang mga reklamo?

Q: Nanawagan kayo na i-recall ang labor attaché sa Taiwan dahilan sa pagpapadeport sa isang OFW.

SFMD: Unang-una, ako ay dating labor secretary, ang tungkulin lang ng labor attaché ay isa lang: para proteksyunan ang ating mga kababayan sa ibang dagat, ang ating mga OFWS. Sa akin, this labor attaché in Taiwan violated all norms of decency ng sinabi niyang i-deport itong kababayan natin. Hindi tama iyon. May lumabas sa social media na itong labor attaché, kung totoo man, ay galing sa DOJ at may mga kaso roon sa DOJ. May mga administrative at baka pati criminal cases. Paano siya tinanggap as labor attaché? Tingnan mo ang nangyari hindi niya naintindihan ang kaniyang tungkulin.

Q: Ang nangyari pa mismong Taiwan government ang nagprotekta sa ating bayan.

SFMD: Kaya nga. Yung kaniyang background, hindi siya dapat na-appoint doon.

Q: Ano po ang dapat unahin ng Kongreso?

SFMD: Ang pagbalik ng ekonomiya. Sa akin, tinamaan nang husto ang manggagawa. We should out our heads together and find out how we can bring back our country to its feet.Paano maibabalik ang mga manggagawa sa dati nilang kabuhayan at trabaho? Kaya wala akong nakikitang tulong ng POGO sa usaping ito. Hindi essential industry ang gambling.

News Latest News Feed