Press Release
April 22, 2024

Gatchalian demands ironclad BI measures to filter out foreign criminals entering PH

Senator Win Gatchalian reiterated his call for the Bureau of Immigration (BI) to implement more stringent measures to filter out foreign criminals entering the country to work for Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), now known as Internet Gaming Licensees (IGL).

"Sa tuwing may nare-raid na POGO, palaging mayroong natatagpuang puganteng wanted sa kani-kanilang mga bansa," Gatchalian said.

This holds true in the case of the raided Zun Yuan Technology Inc. in Bamban, Tarlac. A Taiwanese national was immediately identified as a wanted fugitive in his home country when the raid happened. Worse, authorities discovered that he had been transferred from another POGO hub in Pasay.

Six more wanted foreign fugitives who had worked for Zun Yuan Tech were later identified, all of them Chinese.

Aside from Chinese and other Asian nationals, many POGOs are now employing African nationals, Gatchalian said.

"They just move around. They've already slipped past our immigration and now they freely hop from one POGO company to another. These incidents with POGOs keep happening over and over again," the lawmaker emphasized.

"As gatekeepers, the BI should effectively repel criminal elements that are only bent on making our country an area of operation for illegal activities," he added.

According to him, many POGOs, even those licensed by the Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), are being used as fronts for various illegal activities including scamming activities that victimize both local and foreign nationals.


Mas istriktong hakbang hamon ni Gatchalian sa BI sa pagsala ng mga dayuhang kriminal na pumapasok ng bansa

Muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang kanyang hamon sa Bureau of Immigration (BI) na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang para salain ang mga dayuhang kriminal na pumapasok sa bansa upang magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na kilala ngayon bilang Internet Gaming Licensees (IGL).

"Sa tuwing may nare-raid na POGO, palaging mayroong natatagpuang puganteng wanted sa kani-kanilang mga bansa," sabi ni Gatchalian.

Aniya, muling nakita ito ng bansa noong ni-raid ang Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac. Agad na kinilala ang isang Taiwanese national bilang wanted na pugante sa kanyang sariling bansa nang mangyari ang raid. Ang mas malala pa, natuklasan ng mga awtoridad na siya ay galing na sa isang POGO hub sa Pasay at inilipat lamang sa Bamban.

Bukod dyan, anim pang wanted na dayuhang pugante na nagtrabaho sa Zun Yuan Tech ang kinilala ng mga awtoridad, lahat sila ay mga Chinese.

Bukod sa mga Chinese at iba pang Asian nationals, marami na ring African nationals ang nagtatrabaho ngayon sa mga POGO, sabi ni Gatchalian.

"Palipat-lipat lang sila. Nakapuslit na nga sila sa immigration natin at ngayon ay malaya pang umiikot mula sa isang kumpanya ng POGO patungo sa isa pa. Ang mga insidenteng ito sa mga POGO ay paulit-ulit na lang na nangyayari," diin ng mambabatas.

"Bilang mga gatekeepers, dapat siguruhin ng BI na nasasala ang mga pumapasok ng bansa at natutukoy agad ang mga kriminal na walang ibang misyon kung hindi maghasik ng mga ilegal na aktibidad sa bansa," dagdag niya.

Ayon sa kanya, maraming POGO, maging ang mga lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), ang ginagamit na front para sa iba't ibang ilegal na aktibidad kabilang na ang scamming activities na bumibiktima sa mga dayuhan at Pilipino.

News Latest News Feed