Press Release
May 7, 2024

DELA ROSA: OPENING STATEMENT - MOTU PROPRIO PUBLIC HEARING AND INVESTIGATION ON THE ALLEGED PDEA LEAKS

Today, the Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs will continue to conduct this motu proprio investigation, in aid of legislation, on the alleged PDEA Leaks.

Muli, gusto ko itong bigyang diin. Ang imbestigasyon na ito ay in aid of legislation, hindi ito investigation in aid of persecution. Your Senate, including this Committee, investigates for the purpose of shedding light on policy gaps - administrative as well as legislative. May mga pagkukulang ba sa batas? Paano natin matutugunan ang mga pagkukulang na ito?

I will be the first to proudly say: we are not here to feed anyone's hunger for the entertaining and the sensational. Kung showbiz at chismis ang hanap ninyo, hindi niyo po iyan makukuha sa Senado. Simple lang po ang mga nais nating malaman. Gusto natin malaman sa ating imbestigasyon kung paano na ang confidential documents, classified documents na dapat ay nasa pangangalaga ng ahensya ng gobyerno ay napunta sa kamay ng private citizens? Kung totoo na confidential documents ang mga nailabas, mayroon kayang confidential documents involving our national security ang hindi natin namalayang napunta na pala sa mga taong walang authority na makatanggap ng classified information?

Gusto rin nating bigyang linaw kung ano ang katotohanan sa likod ng alleged PDEA leaked documents. Ito ay maihahalintulad sa isang iskandalo na maaaring maging bahid sa pangalan at pagkatao ng mga sangkot. Mayroong pananagutan ang bawat ahensya ng pamahalaan sa mga datos na ipinagkatiwala sa kanila.

Bilang pangunahing mandato natin ang paggawa ng batas, gusto natin malaman sa pagdinig natin ngayong araw na ito kung ano pang mga panukala ang kailangan nating gawin para proteksyunan ang mga impormasyon at datos, at gayundin, paano pagtitibayin ang mga proseso sa ating gobyerno sa pangangalaga ng mga ito.

We do not owe the Filipino people a hearing that sidelines as a circus or as a variety show. We owe them, instead, a process marked by integrity, respect for due process, and a commitment to justice. Let us proceed with a shared sense of urgency, understanding that the conduct of these investigations as well as their outcome, will impact our institutions' credibility and our citizens' safety for generations to come.

Thank you and good morning again.

News Latest News Feed